Wednesday, January 06, 2021

One Great Love

    


    Meron ka bang tinatawag na One Great Love sa buhay mo? Sa tingin ko, lahat ng tao meron nito pero maaaring hindi na nila kasama ngayon.

    Naalala ko nung nakaraang Pasko ay may napanood akong MMFF entry na ang title ay 'One Great Love.' Maganda ang pelikula, parang teleserye sa dami ng plot haha. Nagustuhan ko dito ang huling linya ng pelikula, kung ano ang ibig sabihin ng One Great Love.

    Last 2019, may isang Facebook friend akong natipuhan. Type lang ba, hindi pa sa puntong umabot na gusto ko siya. Single naman ako kaya why not? Ako 'yung taong gusto ay date then eventually commitment. 'Yung hindi na dumadaan sa panliligaw at maikling panahon lang ang getting to know each other at darating na sa relasyon - na syempre pareho kayong agree. Kaya kung sinu-sino na lang ang nakikita ko hahaha meron sa online, meron sa personal. Maraming meet-ups, 'yung iba okay, 'yung iba nagwo-work at 'yung iba ay napadaan lang. At walang nagtagal pero masaya naman. Isa na siya doon.

    May mutual friends kami at medyo type ko siya sa friends suggestion dahil ang cool ng profile picture niya kaya nakadagdag points 'yon para i-add ko siya hahaha - in-accept naman niya. Sa totoo lang, hindi naman kami gaanong magkakilala. Madalas ay nagco-comment ako sa mga My Day niya sa Messenger pero sa kasamaang-palad ay wala siyang replies. Madalas lang sa FB reacts kami nagtatagpo pero pagdating sa private message ay walang gaanong conversation maliban sa mga reply ko sa My Day niya. Hanggang sa

1 JAN 2020 AT 12:34 AM
Happy New year klasmeyt

    Baka group message. Generic term ang 'klasmeyt' sa Adamson kaya baka copy-paste lang. Schoolmate ko siya at magkasama kami sa isang student organization. And for the record, siya lang ang bumati sa akin ng Happy New Year na out of nowhere. Puro GIF kasi ang ni-send sa akin. Kahit papaano, ito ay text. Tinanggap ko naman ang greetings niya at binati ko rin pabalik. Nagkaroon ng konting conversation then ayun, matagal na bago kami huling nag-usap.

    February 2020, may mga binentang flowers na may kasamang chocolates. Mura na dahil tapos na ang Valentine's Day. Kung ekonomista kang tao, alam mong magmumura lahat ng Valentine's Day items sa February 15. Kaya mas praktikal makipag-date talaga after Valentine's Day (just a tip haha) Bumili ako ng marami out of nowhere. Sobrang mura kasi. Tinabi ko muna pero hindi ko sukat akalain na may pagbibigyan pala ako nito.

    Isang gabi, hindi ko na matandaan kung ano ang nag-trigger para mag-usap kami at naging matagal ito. Umabot ng halos 5 hours. Ang napag-usapan namin ay tungkol sa buhay buhay. Parang 2 strangers na nasa isang restaurant at biglang nagkausap at may gustong sabihin sa isa't isa. Marami akong nalaman sa kanya, gano'n din siya mula sa akin. Karamihan ay tungkol sa school at student organization at ang iba ay sa personal na buhay. May mga bagay na nagustuhan ko sa kanya, isa na rito ang perspective niya sa buhay. Maaaring virtual lang ito pero iba ang atake sa akin. Unexplainable feeling ba. Hindi ko naman pinagdudahan ang naramdaman ko dahil may context ito. At sa mga sumunod na araw, parang hinahanap-hanap ko na siya. Tumigil ang mundo ko na parang siya na lang ang gustong kausapin at huwag nang mag-entertain ng iba. Pero naging limitado naman ang pag-uusap namin dahil may pinaghandaan siyang licensure exam. Syempre, naintindihan ko naman 'yon pero nakaka-miss siya.

    Sa tindi siguro ng pangungulila ko ay naging stable itong feelings ko. Kaya ang binili kong flowers na may chocolates nung February 15 ay binigay ko sa kanya. Ang bilang ng flowers ay bilang ng letra ng kanyang pangalan na may lisensya niya bilang pagbibigay ng wish of luck sa kanyang exam - na sumakto sa bilang ng binili ko. Nag-selfie pa nga ako na may hawak na papel at nakasulat ang pagsuporta sa kanya. Parang stage father lang HAHAHA! Ang tanong, nakahalata na kaya siya? Parang hindi ata.

    Hindi siya nakapasa ng exam (siguro dahil magulo ako) pero may binanggit siya sa akin na aminadong 'yon ang dahilan kung bakit hindi siya nakapasa. Nakalulungkot pero sabi ko sa kanya, there's still next time. Baka hindi pa ngayon. At saka niya sinabi ang kanyang plano na mangibang-bansa. Bigla tuloy akong nalungkot sa sinabi niyang 'yon. Bigla tuloy akong naging secretary ng Department of Tourism para ipakita sa kanya ang halaga at ganda ng Pilipinas para manatili lang siya. Iba na talaga ang naramdaman ko sa kanya.

    Nasa trabaho ako nun at gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. Sabi niya kasi ay busy siya parati kaya sinabi ko na lang through private message. Pero bakit ako kinabahan? Sa mga taong nagustuhan ko noon ay madali ko lang nabanggit ang feelings ko pero bakit dito, may pressure? Nag-break ako sa trabaho para sabihin sa kanya ang isang magandang balita - na gusto ko siya. Bad news pala ito kalaunan.

    Ilang beses ko na siyang nakita hindi dahil stalker ako kundi schoolmate ko nga siya at magkasama kami sa student organization pero parang siya, isang beses lang niya akong nakita nung binigay ko ang flowers na may chocolates. Kaya sumugal ako sa nararamdaman ko. Sabi nga nila, it's better to say it before it's too late pero meron din naman better things left unsaid. Wala naman akong pinagsisihan. No regrets after all dahil ito 'yung nararamdaman ko, bakit ko itatago? Sabi niya, hindi kami aabot sa commitment at ang kaya lang niyang ibigay ay lalabas kami para mag-usap lang, 'yun lang. Bonding ba. At na-conclude kong, rejected ako. Doon ko na-realize na hindi na ako ang taong puro date na lang - gusto ko na bumalik dati sa normal na takbo ng relasyon na may panliligaw, may panahon para patunayan ang nararamdaman at magiging worth it kapag narinig ko ang salitang 'yes.' Baka for 'friends' lang ito. Ayoko naman ma-friendzoned. Ang hirap naman ata na parati kaming lalabas na magkasama at patuloy lang akong aasa. Magkakaroon kami ng oras sa isa't isa pero hanggang doon lang? Ang sakit naman nun.

    O baka mali lang ako ng interpretasyon sa sinabi niya? Na gusto niyang magsimula sa friends at eventually dumating doon? Pero hinimay ko talaga ang mga salitang sinabi niya. Doon lang ang kaya niyang ibigay. Parang nagsalita na siya ng tapos. O ako ang nag-conclude kaagad? Hindi naman ibig sabihin na umamin ako ng nararamdaman sa kanya ay gusto ko na kaagad ang commitment. Gusto ko na maging aware siya.

    I had decided to distance myself. Medyo malaki ang fallback kaya mahirap makabangon. May nararamdaman pa ako sa kanya pero gusto ko na muna dumistansya. Minsan, kinakausap niya ako pero matipid ang replies ko. Pandemic pa; wala ring pagkakataon na magkikita kami kahit sa school. Malaking tulong para mawala na itong nararamdaman ko sa kanya. Because it's time to let it go. Gumawa pa nga ako ng paraan, nag-isip ako kung ano ang mga bagay na nakaka-turn off sa kanya pero parang wala naman. Mahilig naman ako sa pandak. Wala naman akong pakialam sa mga shared posts niya patungkol sa social issues. Okay lang naman sa akin kung sobrang matalino. Parang wala akong nakitang negative sa kanya. Gano'n ata ang love is blind. Edi hindi nawala itong feelings ko sa kanya. Wala rin akong ibang in-entertain at nanatili lang siya sa puso ko. Napansin nga ng kaibigan ko na parang ang tagal na ng feelings ko sa kanya. Dahil alam ng kaibigan ko kung ano ang history ng lovelife ko hahaha. 

    Dahil naging skeleton staff ako sa aming company dulot ng pandemya, malaki ang benefits. At dahil dito ay nakabili ako ng bago kong mid-range phone. Dapat nga less than PHP10,000 phone lang ang una kong plano pero dumating itong pagkakataon kaya naging mataas ang budget ko. Plano kong bilhin sana ang Huawei 7i pero sabi ng tita ko na hindi ito worth it dahil walang Google kahit gustong-gusto ko ang design nito. Marami rin akong ni-consider pero nung may flash sale ang Shopee ay dali-dali kong in-add to cart ang phone na ito.  Impulsive buying ba. At sa hindi ko maintindihang pagkakataon, pareho kami ng eksaktong unit ng phone pati ng kulay - Huawei Nova 5T

    Ilang beses ko nang napansin na pinagtatagpo kami ng mga pagkakataon. May mga bagay na pareho kami ng hilig at maski ang mga pananaw namin sa buhay. Baka sign na ito. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon. At ayun, patuloy kong tinatanggal ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil nga sa mga ganitong common denominators ay doon siya nagkakaroon ng dahilan para kausapin ako kahit ayoko nang makipag-usap sa kanya - baka mas lalo akong ma-attach. Sana naintindihan niya ang sitwasyon ko. Hindi kasi ako nagkakagusto kapag kaibigan ko na o tropa ko. Lagi akong nagkakagusto sa isang stranger at doon magsisimula ang getting to know each other. Hindi naman kami nagsimula bilang kaibigan. Iba kaagad ang naging pagtingin ko sa kanya. Mahirap nang baliktarin kung ano man ang gusto niyang mangyari - na hanggang kaibigan lang kami. For the record, hindi ito ang unang pagkakataon na na-friendzoned ako kaya kahit papaano alam ko na patakbuhin ang sitwasyon na ito. Pero nagpupumilit pa rin siyang i-entertain ako. 

    Kung may isang taong umamin ng nararamdaman niya sa akin at kapag ayaw ko, hindi ko na kakausapin para kahit papaano makatulong na mawala 'yung nararamdaman niya sa akin at para saan pa kung ie-entertain ko siya kung wala naman talaga? Baka iba ang pananaw niya pagdating sa pag-ibig na kapag ni-reject, mas lalong i-entetain. Kung gusto niya makipag-kaibigan dahil sa common denominators namin, sorry, hindi ko 'yon kayang ibigay. Kaya sa huling pagkakataon, tinanong ko muli siya - friends pa rin ang kanyang sagot. 'Yon pa rin ang pananaw niya sa akin. 'Yon ang gusto niya kaya gusto niya akong kausapin. Baka bored lang dahil pandemic. Ah, sakit naman nun.

    'Yon ang nag-trigger sa akin para mas lalong dumistansya sa kanya - unfollowed at unfriend. Para wala na talagang ugnayan.

    Ilang buwan din naging payapa ang buhay ko. Wala nang cute na nanggugulo. Hindi ko na hinahanap-hanap pa. Eventually, I found someone. Mas bata sa akin pero ayoko talaga ng mas bata sa akin pero heto na, we liked each other pero hindi nag-work. Sayang, first time kong maka-encounter na sobrang comfortable ako. 'Yung tipong nakikipag-debate ako at minumura ko pa pero okay pa rin HAHAHA! Kasagsagan nung patapos na ang aming communication nito, biglang

*Shopee*

    Biglang tumunog ang phone ko, may nag-message sa Shopee. Online seller ako ng GMA Affordabox, face masks at face shields at parang pamilyar na may gustong bumili ng face masks at face shields ko. Sabi ko ay available ang mga ito at i-add to cart lang niya. At nung lumabas na ang kanyang customer information ay doon ko nakita ang contact number, address at buong pangalan niya. Lintik na kumag - siya.

    Sabi ko talaga noon, "Lord, bakit ba ako sinusundan ng taong ito?" Naging professional at business man naman ako at kinausap siya sa about sa kanyang orders. Pero paano niya nalaman ang Shopee account ko at isa akong seller? Stalker ba 'to? 

    Well, a theory from a Political Science Student. Nung araw na in-unfollow ko siya sa Instagram ay naka-private account siya pero kinabukasan, nung ni-stalk ko siya ay biglang naging public account. Hmmm.... something fishy. Nalaman niyang hindi ko na siya fino-follow sa Instagram kahit wala naman gano'ng klaseng notification ang Instagram. Kaya siguro nalaman niya rin na online seller ako. Lahat naman ata ng tao sa social media ay pwedeng maging stalker pero siya, parang licensed. This is just a theory though.

    Gusto ko na talaga lumayo sa kanya. Pero bakit dumating naman uli siya kung kailan..., kung kailan na ako'y muling nag-iisa. Right timing ba? Hindi ko alam. And just one night, napagod ako sa mga ginawa ko nung araw na 'yon at kailangan ko ng something 'lambing' para mapawi ang pagod ko. Malambing naman mga kapatid ko at mga alaga kong pets pero iba ang lambing na kailangan ko. Ni-chat ko siya sa Shopee, pero bigla akong nagising sa katotohanan at 'di ko na kayang burahin 'yung ni-send ko sa kanya. Hindi na ako nag-reply nung um-okay siya na maglambingan kami. Nangulit siya kaya sinakyan ko na lang, baka hindi pa siya bumili ng face masks/shields. Professional 'to. At boom, sa isang iglap lang ay bumalik na naman. Sincere itong nararamdaman ko sa kanya dahil parang hindi nawawala. #SalamatShopee

    Medyo naging matagal bago kami huling nag-usap dahil busy sa kanya-kanyang buhay. Hanggang sa hindi ko malamang dahilan kung bakit nag-send siya ng half-naked selfie niya sa akin sa Viber. Alam niya ang Viber account ko dahil minsan kong sinabi sa kanya 'to nung social media break ako para doon kami mag-usap. Sana kung magse-send siya, buo na. Charot. Kinalmahan ko ang sarili ko nun at ni-treat as normal. Tinanggap ko ang ni-send niya na nakita ko kahit binura niya kaagad. Galing siya sa fitness gym na kababalik lang after i-ease ang restrictions. At nasundan pa ito. Ni-treat ko lang talaga as normal. Dahil minsan din naming napag-usapan ang about sa fitness gym. May history kasi ako ng heavy workout noon kaya nakaka-relate kami sa isa't isa kapag ganito ang topic. History na lang ang heavy workout ko kasi mataba na ako ngayon. Wahahaha at napag-isip-isip ko, what if, may meaning 'yung mga pinagse-send niya?

    Sabi niya sa akin ay isa sa mga pinakaayaw niyang gawin ang pag-selfie. Pero bakit parang naka-monthly subscription ako sa selfies niya? Lagi siyang nagse-send. Marami naman siyang portrait photos sa Facebook kaya hindi na ako nag-isip nang kung anu-ano pa pero ang cute niya sa mga selfie niya huhu. Ngunit nagtaka na ako, nung nag-usap kami sa Viber ay madalas na niya akong kausapin na may panimulang bati na, "babe." Baka dahil mataba ako kaya gano'n. Minsan, "baby" pa ang tawag niya. Nakakatawa nga na tuwing 7pm kami nag-uusap. I still treat it as normal. Sayang naman ang in-invest ko para mawala ang feelings ko sa kanya. Naisip ko nga na baka bored lang 'to at walang ginagawa tuwing 7pm. 

    Parang isa akong bulkan. Maraming magma sa loob pero anytime pwedeng sumabog. At kapag sumabog ay magiging visible at tatawaging lava. Lava is in the air. Binalikan ko ang ni-send niyang selfies - ang cute niya talaga. Masarap akbayan, masarap katabi sa biyahe at matulog sa kanyang balikat, masarap yakapin at higit sa lahat - masarap mahalin. (Luh, ano, akala niyo ha, umasa kayo na sasabihin ko ang - masarap kainin).

    I love that person, may pangako nga pala akong libreng milk tea sa kanya at ni-set na namin ang date. Bigla kong naisip na i-prank siya. Ang sabihin sa kanya na wala na akong nararamdaman sa kanya. Sasabihin ko na sana, ito ay isang prank pero parang naging matamlay ang replies niya. Prank gone wrong. Binalewala ko na lang. Magkikita naman kami. Pero sa maling pagkakataon ay hindi raw siya pwede ilang oras bago kami magkita ay binanggit niya ito kaya hindi ito natuloy. Bigla siyang nawala. Hindi na nasunod ang 7pm pattern. Tuloy, hinahanap-hanap ko. 

    Sa dinami-dami kong realizations sa tao na ito, sana ito na ang kongklusyon. Treat that person as a friend. Doon ko na siya in-add sa Facebook at ni-follow sa Instagram. Doon ako naging matapang na hindi na ako maiilang kapag nakikita ko siya. Kaya ko 'to. 

    Hindi natuloy ang aming pagkikita kaya binawi ko na lang sa food delivery. Kinuha ko ang address niya sa Shopee kaya doon ko pinadala. Bayad na 'yon syempre at surprise 'yon. Kinausap naman niya ako sa natanggap niya na at 'buti na lang ay nasa bahay siya nung oras na 'yon, kung hindi ay mapupunta sa ibang tao. Para hindi na rin kami magkita pa.

    Ang aming mga huling pag-uusap ay nung binati niya ako nung birthday ko at nung Pasko. Parang normal na usapan na lamang. May lakad ako until December 27 kaya busy ako. Bigla niyang pinaalala 'yung milk tea. Akala ko, sapat na 'yung food delivery pero gusto niya pa pala. Baka hindi ang milk tea ang gusto niya kundi gusto niya akong makita. Yhieeee assuming. Hindi ko naman tinanggihan kaya lang ang date na libre siya ay December 27 kaya hindi pwede. 

    Hours before 27th ay biglang nagkaroon ng changes sa mga lakad ko sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi ko sinadya, huwag kayong ano dyan. Kaya naging libre ako. Sinabi ko sa kanya at good deal na kami. Treat ko siya ng milk tea sa Black Scoop. 

    Hindi naman ako nahirapan sa pagtulog kaya hindi ako nasasabik na makita siya pero may konting kaba. Ihing-ihi na tuloy ako sa byahe nun kasabay pa ng katamtamang ulan. At nung segundong nakita ko ang mga mata niya, nanumbalik ang lahat - ang taong cute na nagustuhan ko. Ang unexplainable feeling ko sa kanya. Ang aming common denominators. Ang mga pagkakataon o signs sa aming dalawa. Ang kauna-unahang tao na binanggit ko ang pangalan sa aking araw-araw na dasal na maging maganda ang ending naming dalawa. Madalas kapag nagdarasal ako ay sinasabi ko lang na i-guide ang lovelife ko pero hindi ako bumabanggit ng pangalan. Itong tao na ito ay kasama ko na ngayon. 

    Nag-usap kami. Normal na usapan lang sa kung ano na ang pinag-uusapan na rin namin noon. Napansin ko na parang walang bago. Tutal face-to-face na kami ay magandang meron kaming topic na hindi pa namin napag-uusapan. Ngunit wala naman pero lagpas 2 oras din kaming nag-usap. Sakto, pupunta raw siya ng condo at gusto kong sumama. Dinahilan ko 'yung ihing-ihi na ako hahaha para magkaroon pa kami ng oras sa isa't isa na baka ito na ang huli. At kung nag-iisip kayo na may balak ako, big NO. I always do this generic rule when meeting someone first time. Hindi mangyayari 'yon and only date. Dahil gusto ko mag-iwan ng magandang first impression kahit niyayaya na ako, tumatanggi ako. And on this one, no. Sumama ako sa condo niya at maganda naman. Umihi na rin ako. Pero parang gusto kong iuwi 'yung isang alak sa taas ng refrigerator nila. Mamahaling alak at sabi niya sa akin, kung gusto ko raw iuwi. Gusto ko sana pero LRT ang sakay ko pauwi. Pasalubong ko sana sa mga magulang ko na mahilig sa alak. (At kung pwede na makikilala ka rin nila, pero wala eh)

    At oo nga pala, may bebe na raw siya. Edi sila na. Based sa shared posts niya ay meron na raw siyang bebe. Meron na siyang iba. Kinumpirma niya 'to nung kinausap ko siya. Medyo nasaktan ako pero baka ito na rin ang happy ending. Masaya siya sa iba. Happy ako para sa kanya.

    Ito 'yung tinatawag kong highest act of love - ang pag-let go. Kasi kapag ni-let go mo ang isang tao ngunit may gusto ng iba, ano pa ang rason para ipaglaban pa? Kung masaya na siya sa iba. Mahal mo ang isang tao kapag binigay mo sa kanya kung saan siya masaya. Heto na siguro ang dasal ko noon na "happy ending."

    Kung mapapansin ninyo, parang roller coaster ang feelings ko sa kanya. Ups and downs ba kumbaga. Minsan nandyan, minsan wala. Pero 'di ba ito ang characteristics ng normal na relationship? Ang may ups and downs. Sayang talaga. Baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Habang tina-type ko ito, may luhang bumabagsak na parang kasing-tulad ng malakas na bagyo pero bagyo lamang ito, Kharl, dadaan at mawawala rin.

'Cause someday, someone's gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday, someone's gonna take your place
One day, I'll forget about you
You'll see, I won't even miss you
Someday, someday

    Question, why am I still writing this even if it hurts? Siya kasi ang one great love ko. Ang ibig sabihin ng one great love ay ang taong pinakaminahal mo, naramdaman mo sa sarili mo na talagang minahal ka o minahal mo ang taong 'yon dahil sa maraming rason. Hindi rin ito sinusukat kung gaano katagal o kaikli ang love na ito. Hindi rin ito exlusive sa commitment kaya kahit wala kayong naging relasyon kung naramdaman mo ito, siya ang one great love mo. At hindi rin ibig sabihin na one great love mo ay siya ang forever mo, na siya ang magiging asawa mo. You can experience that, trust me. 

    Bumati siya noong New Year, nag-notify sa akin pero hindi ko na ito sinagot. Cliché man kung sabihin pero ito ang bago sa aking bagong taon. Doon din naman nagsimula ang lahat, ang New Year's Greetings, dito na rin magtatapos. Naaawa na rin ako sa sarili ko. At meron din naman mali sa akin. Marami akong sinayang na pagkakataon. Marami akong pagkukulang kaya hindi nag-work ang aking one great love. Salamat at naging parte siya ng buhay ko. Maraming pagkakataon. Hindi lang siguro itinadhana. Ang bago kong dasal ngayon, hindi man naging tayo ngayon ay sana sa next life - ikaw ang makilala ko at pipiliin ko; tayo lamang. Kahit ano pa tayong nilalang, basta't kasama kita. Because I'm fucking serious that I loved you.

-Kav

Tuesday, May 31, 2016

Buhay ng Isang GIP

GIP 2016
Government Internship Program 
Department of Transportation and Communications

DOTC (wikipedia)
"Toooooot ka talaga Sec. Abaya, toooot! Daming problema sa 'Pinas!........"

'Yan ang madalas na tweets ko o shared posts ko sa Facebook tungkol sa mga pangyayari sa Pilipinas, mga problema sa lipunan katulad ng - Sirang MRT, aberya sa PNR, Traffic, negatibo sa Airport, atbp. Puno ng balita sa diyaryo, TV, at maging online ang department na ito ngunit hindi ko pala sukat akalain na mapapalapit ako dito.

"Kharl, may summer job daw!" sabi ni Mama.


ctto
E' ako, nangangailangan ng pera ay dali-dali inalam ang balita tungkol dito. Hahahaha! Para rin dagdag pan-tuition kung sakali man dahil hindi ko nakuha ang scholarship sa Adamson kaya 100% ang babayaran ko (Ang mahal!). Kasama ko si Ate Caren at ang kapatid niya na mag-aapply sa nasabing job, 

"DOTC"


credits: @kreeeseutel
'Yon ang lugar kung saan may Summer Job, una, namangha ako na may summer job pala doon, pangalawa, government office 'yon kaya kahit papaano may relate sa kurso ko, pangatlo at huli. Bakit doon? Ang lugar kung saan kinamumuhian ko ngayon. Parang walang respeto naman na pagkatapos ko mag-tweet/nag-post ng negatibo sa DOTC (na totoo naman talaga na nangyayari sa Pilipinas) ay nagbabalak akong kumuha ng Summer Job. "Hindi na siguro ako papasa." sabi ko na lang.


ctto
Sa interview, wala ang in-charge na tagapanayam sa mga kukuha ng summer job. "What is your course iho?" Tanong n'ya na may kasamang accent. "AB Political Science po." sagot ko. Siya si Ma'am Helen, siya ang nag-interview sa akin dahil may seminar daw ang dapat mag-interview sa aming dalawa. Nasagot ko naman ang lahat ng tanong niya hanggang sa, "Sino ang Presidente mo?" tanong niya. "Ah e" ayoko sabihin, baka paalisin ako hahaha! Duterte ang gusto ko pero dahil government ito, tiyak na doon sila kay dilaw pero, "Kay Duterte rin naman ako." sabi niya. Nagulat lang ako na akala ko na kapag nasa gobyerno e' sa dilaw sila kakampi pero hindi naman pala lahat.


ctto
"Oh, may talent ka, singing," Habang binabasa ang application form ko. "Tuwing Friday, sa 15th floor may Smart Activity, doon pwede kayo magpakitang gilas, 'yung talent mo, i-show mo doon." Wow! May gano'n pala sa summer job dito sa DOTC, may Got Talent hahahaha! At nakapasa naman kami ng kasama ko sa interview at may exam pa sa last Saturday bago ang holy week. 

"Pero teka, magaling ka sa blogging, patulong naman kung paano gumawa ng blog." Sabi ni Ma'am Helen na tinulungan ko naman. Bonus points 'yon na may naiambag na kaagad ako kahit hindi pa ako nagta-trabaho hahahaha! Sa exam, nakapasa ako! Yahoo! Hindi ko pa nga natapos at salamat sa Diyos na may sure job, sure income na! Rank #15 ako at nakatutuwa lang hahaha pero ang kasama ko, kung sino pa 'yung nagyaya sa akin sa summer job ay 'yon pa ang 'di nakapasa, kapatid ni Ate Caren. 

Investigation & Adjudication Division, Unit 44


"Hello!" 'Yan ang salubong sa akin ng isang babae sa isang office na napuntahan ko na noong interview ko para sa summer job. Ang office na 'to ay ang office din ni Ate Caren noong nag-OJT siya sa DOTC (kaya nagkaroon siya ng idea sa GIP, sa DOTC). Coincidence or Destiny? Hahaha kapitbahay ko kasi si Ate Caren at salamat sa kanya na hindi ako mababagot sa summer at magiging productive ako.



Pizza kaagad ang sumalubong sa akin sa unang araw ko sa office, ewan ko, kung para sa akin ba 'yon (hahaha assuming) or maraming 'fuds' lang sa office. Isa lang nakain ko dahil natutuwa pa rin ako noong April 7 na dumaan ako sa office ko.


ctto
Halos maiyak ako sa tuwa nang malaman ko kung saan ako naka-assign. Related sa course ko, raw pa ako sa Pol Sci pero malaking tulong na ito sa mga future lessons ko. Habang ang marami ay may "hinaing" sa assigned office nila kay Ma'am Lota, ang in-charge sa GIP-DOTC, gusto ko sana siya lapitan at sabihin na "Salamat po Ma'am" pero mukhang stress na siya sa dami nang hinang hahahaha at gusto ko rin sabihin na, "Ma'am, medyo kahawig niyo po 'yung artista sa TV5, si Alex Dixson." Walang halong biro.

April 8, Friday, ang pinakaunang araw ko talaga sa office. May mga ate at kuya ako sa Pol Sci na nag-OJT at sa kanilang unang araw ay walang ginawa. Walang pinagkaiba sa unang araw ko ng trabaho. Nakaupo lang ako sa harap ng malaking monitor ng Computer na naghihintay ng utos kaninuman. Magkalapit kami ni 'sir' na nag-introduce sa akin sa I&AD. Absent ang pinakaboss ko kaya hindi ko pa siya nakikilala. Isa siyang attorney kaya nasasabik akong makilala siya.

Hindi naman sa pang-aano pero 3 araw pa ang nakalipas bago ko nalaman ang pangalan ni sir na malapit sa table ko, si Sir Reynan. Puro ako introduce myself pero hindi ko man lang nalaman ang kanilang pangalan, maski ang ibang employee sa I&AD (hahaha grabe, ang bad ko). First time ko magtrabaho sa isang opisina kaya sobrang pagkamahiyain ko. Ang una ko pang nakilala ay si Sir Ariel na hindi pa employee sa Investigation & Adjudication, sa Legal Service (office na katabi namin) na unang nag-utos sa akin ng receiving papers. Nakakatawa nga na nalaman ko ang pangalan ng mga sir at ma'am ko sa divison nung may pina-receive akong paper na nakasulat ang names ng mga employee sa I&AD (Hahahaha! Grabe ako, grabe) Dahil sa pagkamahiyain ko na halos wala akong kinakausap, nahirapan akong matuto kung paano mag-bundy card. Hindi ako na-orient hahaha pero dahil sa tulong ng "power rangers" ay natuto naman ako.



Tuwang-tuwa talaga ako kapag may inuutos sa akin na ipa-receive, 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th, 8th, 15th, 16th, at 17th floors ay napupuntahan ko.



Hilig ko pa naman ang adventure kaya sakto ang aking paglalakbay at na-eenjoy ko pa ang elevator na kahit minsan iniiwanan ako. :( Pero may mas nakakatuwa pa pala na gawain sa office - ang pag-photocopy!! Nang utusan ako ni sir Ariel na mag-photocopy nang maraming papel, "This the best task in the world!" Hahahahaha kaya kapag may inuutos sa akin na photocopy ay dali-dali akong pumupunta.sa xerox machine. Muntik ko na nga ma-photocopy ang mga papel na hindi naman dapat i-photocopy hahahaha!


ctto
(PS: Mas maganda 'to kaysa sa xerox machine ng DOTC Hahaha! Nagsabi pa ako ng negative e')
"What do you expect from GIP?" Tanong sa akin ni Atty. Rommel, parang natanong na rin 'yon noong orientation ah! Kaya nasagot ko kaagad pero kinabahan ako dahil boss ko na ang kaharap ko. Pero kakayanin naman dahil mabait si attorney, minsan pa nga ay siya ang nagyayaya sa akin sa ganito ganyan at approachable siya. Dahil sa eyeglasses niya, kahawig niya si Ninoy Aquino hahahah dilaw! Pero dahil Election period, hindi mawalan nang usapan sa aming office tungkol sa eleksyon at maka-DU30 si attorney at masarap makinig sa point of views niya, syempre may napatunayan na rin naman si boss.

Tuwing Lunch, sa office lang ako kumakain dahil may conference room sa loob ng aming division office kaya 'yon ang nagiging 'foodcourt' namin. Salo-salo kung kumain ang mga employee sa I&AD at sa Legal na parang isang pamilya kaya sumasabay na rin ako sa kanila. Malaking bagay 'yon dahil nakikilala ko ang aking mga boss. Maraming fuds sa office namin kaya laging busog! At hindi ako nawawalan ng "free extra rice" kapag kumakain hahahahaha! 7-Eleven ang naging tropa ko tuwing lunch para bumili ng pagkain dahil may target din ako - hero buddies points, dahil super fan ako ni Superman! Batman v Superman! #TeamSuperman


ctto
Matakaw ako sa tubig lalo na't El Nino pa naman ngayon na sobrang init kapag lumabas ka pagkatapos ng trabaho mula sa malamig na aircon! Kaya natutuwa ako sa unli-water sa DOTC e' hahahaha . Hindi lang 'yon, walang mirror sa bahay namin na matino, kung meron man, maliit kaya sa C.R. ng DOTC, natutuwa ako sa malaking mirror! Wow! Nakita ko na rin itsura ko hahahahahaha!!!

Hindi ko rin maintindihan ang body temperature ko kaya minsan, nasosobrahan ako sa lamig sa office. Isang araw, wala akong dalang jacket kaya hindi ko nakayanan ang lamig. Ang ginawa ko? Lumabas ako ng unit 44 at umikot sa DOTC building! Bumaba sa first floor, pumunta ng canteen, nag-elevator papuntang 8th floor, dumaan sa CR ng 8th floor para 'di halata sa guard na gumagala lang ako hahahaha! At naghagdan pababa sa 4th, finish line! Yey! HAHAHAHA! Walang magawa ang isang tulad ko kaya nagawa ko ang bagay na iyon. Kumbaga, nagpatanggal ako nang lamig sa katawan hahahaha!


ctto
Hindi nawawalan nang tawanan sa loob ng office namin dahil sa energetic na mga ma'am ko - Sina Ma'am Lolit, Ma'am Mae, Ma'am Jen, at ang bagong dagdag sa I&AD family, si Ma'am Jen 2 (kapareho ng name niya e' hahahah) Hindi lang 'yon, dahil connected ang Legal Service sa Investigation & Adjudication office (literal haha), nakilala ko rin sina Sir G, Sir Erik, Ma'am Tess, at Ma'am Ana. Kahit man seryoso ang mga trabaho, hindi nawawalan ang tawanan kaya masaya sa aming office. Dumayo na rin ako sa ibang office at masaya rin sa kanila, mahirap nga lang ma-assign sa sobrang seryoso na opisina na bihirang makakita nang ngumingiti na employee. :| Masaya sa DOTC!


ctto
Hindi naman mabigat ang aking trabaho kaya may mga past time ako katulad ng Facebook/Twitter (minsan lang naman) at pagsulat ng sa journal. Pati na rin ang pagbabasa ng libro, nabasa ko nga ang Catching Fire, Mockingjay, at 8 libro ng Diary of A Wimpy Kid hahahaha!



Sina ma'am na rin ang nagsabi na pwede ko iyon maging past time at hindi lang 'yon! Naimpluwensyahan pa ako ng 'Descendants of the Sun' na napanood ko sa aking PC dahil fan sina Ma'am Lolit, Ma'am Mae, at Ma'am Jen ng Korean Dramas! hahahaha Who knows Big Boss?



Sa pag-release ko ng documents, 
Binabasa ko rin naman ang ilan
ngunit ang lahat ay hindi ko maintindihan
pero may mga bagay akong naiintindihan 
na makatutulong sa aking kinabukasan. 
Oha hahahahaha

Kung walang SMART Activity, wala na, wala siguro akong makikilala. Ano nga ulit ibig sabihin ng SMART Acivity? Ewan. Kaya salamat talaga dito sapagkat nagkaroon ako ng interaction sa bawat GIP trainees. 

Una kong nakilala sa GIP ay sina Grace at Nicole dahil katabi ko sila nung orientation. At nang nagka-groupings na, napunta ako sa Group 3, tahimik ako, wala talaga akong kakilala, nag-iisa na taga-Adamson, nag-iisa na Pol Sci student, nag-iisa na taga-Cubao, at nag-iisa sa office hahahaha sumpa ata hahahah! Dinaldal ako kaagad ni Nel dahil napapansin niyang outcast ako o tahimik sa isang tabi pero limitado pa rin ang pakikipag-usap ko. Ayt, ang hina ng pakikipag-socialize ko.

Binoto ng taumbayan na President si June, bukod sa may kahawig siya na kaklase ko noong high school ay taga-HRD kasi siya kaya isa rin siya sa mga una kong nakilala para pagtanungan nang ganito ganyan. Sa pagiging lider ng GIP 2016, may narinig ako na "Bakit kaya si June ang naging president?" sabi ni anonymous. Grabe siya kay June, siguro siya ang mga hindi bumoto kay June hahaha! Sa pagdaan ng panahon, nagawa naman ni June ang mga tungkulin niya. Wala naman taong perpekto kaya ayun. Ang dami niya ngang awards e! Bitter ang nagsabi ng negative kay Hunyo.



Sa SMART Activity, Group 3, mula sa Summer Fun, Lip Sync Battle, at Retro. Ang journey ng Group 3 ay natigil sa pagdating ng twist! Sayang! Mula 5th, 4th, 3rd place, naputol ang ascending streak ng Group 3 hahahaha!



Kahit man 6pm or 7pm na ang oras nang pag-uwi namin, enjoy naman dahil hindi nawawalan ng kalokohan sa practice. Doon, may mga taong nakilala na ako na masayang kasama. Doon ko rin natagpuan si tooooot. Minsan sa aming grupo may mga hindi pagkakaunawaan pero normal naman ata 'yon. 'Yung tipong Thursday nang gabi na kami nagseseryoso para may mai-present sa Smart Activity. Nagkaroon pa nga kami ng pustahan nina Mikka at Riyo, "Pustahan, 7PM ng Thursday, doon tayo may masisimulan." hahahahaha at panalo nga sa pustahan!

Magaganda naman ang idea namin pero sadyang may mga hind inaasahang pagkakataon kaya hindi nangyayari ang dapat mangyari pero nag-enjoy naman ako sa group 3 'kahit papaano' dahil marami akong natagpuan na kaibigan. Sa ibang grupo, ganoon din sila, isang pamilya na nga ang Group 4 na tinatawag na 'Team Chiu' na dalawang beses nakakuha ng Kampeonato dahil sa gilas ng mga ideya at galing ng pagtanghal.


ctto
Puro sayaw! Ayaw ko talaga ng sayaw lalo na kapag oras ng practice, inaantok ako pero na-survive naman hahahah! Ang lamig pa sa 15th floor or 8th floor, lugar ng practice. Hirap pa mai-apply ng steps dahil hindi naman ako magaling sumayaw pero siguro kung party song, pwede pa hahahaha tugs tugs tugs!



Nung narinig ko ang boses ni Riyo, napansin ko na ok siya, ok siya, ok nga lang siya. Kaya nang mag-host ang Group 3 noong Retro, si Riyo kaagad ang na-suggest ko na maging host sapagkat he has what it takes! Ang pagkakaalam ko kasi sa hosting, hindi lang 'yan sa accent o laki nang boses, nasa maturity 'yan nang nilalaman ng mga sinasabi at iyon ang mayroon si Riyo, 'yon din kaya ang hinahanap na characteristics ni Ma'am Lota sa paghahanap ng host? Abangan. :p


ay ano 'to?
Tama si Ma'am Helen, upang hangaan niya ang pagiging artistic ng GIP 2016 sa pag-decor, totoo, simpleng art lang ay natutuwa ako pero sa mga decor kada Smart Activity, iba talaga! Iba ang effort na binibigay ng mga artist sa GIP para mapaganda ang Unit 156 kaya enjoy din sa Smart Activity dahil sa ganda at astig ng mga decoration. Salute sa mga bright ideas!





Sa isang Smart Activity, naging speaker si Ma'am Helen at may sinabi siyang hindi ko nagustuhan.
"May na-interview ako noon na writer siya so magaling siya sa blogging. Hindi ata siya nakapasa, name niya Angelo." At nakaupo pa ako sa pinakaharapan. Sabi ko sa sarili ko, "Oh please, don't recognize me, not this time." HAHAHAH! At 'buti na lang, 3 kaming Angelo sa GIP kaya safe. Hindi na niya ako nakilala e kaya hindi na ako nagsalita na ako ang tinutukoy niya, nasa front seat pa naman din ako. :p Shhhhh huwag niyo sabihin kay Ma'am Helen na ako 'yon ah, baka magpatulong pa siya sa blogging. Just kidding!



Nang mangyari ang twist, panibagong grupo, ang apat na lalake ng Group 3 ay nanatili na magkakasama sa Group 3. Oh diba, coincidence o destiny? Colors of the Wind at Sing-Offs.



At sa wakas, nakaranas din ako ng Championship! Hahaha sa pagkanta, yehey! At na-special award pa.



Who would say no to the boys of Group 3? At who would say yes to our gorgeous but shy leader - Angel. Natutuwa ako tuwing practice namin dahil iba ang aming leader lalo na sa Sing-Offs, bigay todo para sa kanyang performance, kahit man pang-banyo lang ang kanyang boses (sabi niya 'yon), ginawa niya ang lahat ng kanyang magagawa upang ipakita sa madla ang kanyang talento sa pagkanta.


Rated SPG
Kaya ayun, parati siyang naloloko nang karamihan sa kalalakihan sa Group 3 lalo na si Russel kaya panay ang tawanan namin


ctto
Kaya naiiwan tuloy.



Kahit sinasabi ni Jeshia, "Kuya't Ate, seryoso na!" Nagulat ako na 16 yrs. old pa lang si Jeshia, iba ang matured thinking niya. Isa siyang modelo ika nga ng isang speaker sa Smart Activity pero pwede rin naman siya maging modelo ng clothing brand.


oh!
Ika nga ni 


S'yempre sa GIP, hindi lang basta trabaho, may sweldo rin! Totoo naman na ang dapat i-expect sa GIP ay ang income. P300/day, sulit na kahit papaano. Narinig ko na ang karamihan ay gagamitin ang sweldo sa tuition fee (maniwala? hahaha loko) ako rin, 'yon ang aking dahilan pero hindi ako naniniwala hahahaha!


ctto
Sabi nga ni Ma'am Lota, sa unang sweldo mo, dapat special ito kaya gastusin sa kung ano ang gusto mo. Kaya sa akin, naisip ko ang pagkain! Hahaha 'yon ang gusto ko sa unang sweldo pero ayoko maging selfish, sakto, birthday ng brother ko kaya nag-treat ako, matagal ko nang gustong kumain ng Carbonara kaya ang ginawa ko, naghanda para sa Carbonara! Oh diba Happy na, Birthday pa!



Sa ibang GIP, napansin ko na kumain kaagad sila sa labas after ng unang sweldo, siguro ang iba ay inipon dahil may balak bilhin or para sa tuition talaga. Kanya-kanyang trip lang 'yan, mismong kamay natin ang gumawa ng pera na ating nakamit kaya nasa sa atin ang desisyon kung ano ang gagawin natin. Nawa'y nagastos natin nang tama base sa tamang pagdedesisyon ang ating mga sahod (para sa mga kapwa GIP ko) para SULIT ang naging summer job.




Kaya nga lang, kapag late, half day, or absent ay kaltas sa sweldo at sabi ni Ma'am Lota na, "Did you know? Ang mga nakakaltas sa sweldo niyo mula sa late/absent ay napupunta sa pondo ng GIP."

Madalas ang late ngayon, dahil sa traffic hahahaha (lagi naman) at absent dahil enrollment days kaya malaki na ang pondo ng GIP at napupunta ito sa catering! Hahaha sa graduation ba. "Kaya 'yung mga kaltas sa sahod ko, napunta lahat d'yan sa catering, kaya parang nalibre ko na rin ang GIP." sabi ni Joseph na base sa pag-compute niya, P3,500 na ang nakaltas sa sweldo niya dahil sa absents.



Ang ironic nga na nararanasan namin ang ma-stranded papasok or pauwi, gayon nagta-trabaho kami sa DOTC. Kung may zip-line lang sa EDSA, sobrang astig na nun! Hahahah! Dahil sa problema ngayon sa Pilipinas sa transportation at communication, minsan tinatago ko ang ID ko dahil baka awayin ako sapagkat sa DOTC ako nagta-trabaho. (Mahirap na), 'yon nga rin ang sabi ni Ma'am Mae na kapag umuuwi siya, hindi niya sinusuot ang ID baka kuyugin siya hahaha!

May mga bagay sa ating trabaho na hindi inaasahan lalo na kung negatibo. Sobrang pasaway daw ng GIP 2016, ang batch na ito. Hahaha ang bilis ng mga kabataan na mag-get together kaya mabilis din ang takbo nang pagkakaibigan kaya nagiging maingay ang lahat. Normal lang naman 'yon, kahit tahimik ako, alam ko naman na ang mga kabataan talaga ay gano'n, kabataan din naman ako diba. 'Yung sa elevator na pagpindot hahaha si Riyo, kita ko siya pinindot lahat e' pero na-reset nung dumating sa 17th floor. Feeling ko hindi GIP ang gumagawa no'n, may mga iba rin na malilikot ang kamay kaya huwag isisi sa GIP ang lahat! Huwag! HUHUHUHU :'(
(Plot Twist: Every year, sinasabi ni Ma'am Lota ang linyang, 'Ito na ang pinakapasaway na GIP na naranasan ko.' hahaha)


ctto
Isang beses lang ako nagkaroon ng something negative sa boss ko, nung hindi ko kaagad nagawa ang pinapagawa niya dahil sa isang 'epal' na pangyayari kaya ayun, pansin ko nagalit siya at first time ko siyang nakitang gano'n at nabigla ako pero siguro kailangan na rin masanay dahil hindi naman ang lahat ng tao ay "100% loaded".

Honestly speaking, pumunta na tayo sa negative. May napapansin ako habang tumatagal, parang nagiging Divergent ang GIP na nahahati at may kanya-kanyang grupo, ang masakit pa ay ang mga grupo na iyon ay may hindi pagkakaunawaan. NORMAL. Ganyan sa loob ng isang classroom ng mga kabataan, may kanya-kanyang grupo tapos may misunderstanding, siguro pride. Pero maraming namamatay sa maling akala, baka akala lang natin na may misunderstanding pero wala naman pala. Happy lang! Ika nga ni Tinay. This is where we find the word, 'maturity'.

May magandang lugar sa Columbia Tower, nang madiskubre ko ito ay hindi na ako magkamayaw na pumunta parati. Naging hideout pa nga ng "Food Buddies" ang 18th floor.


FOOD Buddies
Sa ganda nang makikita mo, ito na lang ang magiging reaksyon mo. 


yow
Ilang minuto bago ang 1:30pm graduation, tumambay pa ako sa 18th floor dahil sa magandang view. Hilig ko talaga ang sightseeing.


Ortigas 
On positive side, iki-kwento ko lang ang mga special friends ko sa GIP! Shoutout kay ano!



Si Nel, minsan ok, minsan pasaway pero kapag walang kausap, siya, d'best s'ya kasama. Hahaha! Ang Orig Group 3, ang best performer na back-to-back na si Mikka! Iba na s'ya, ang taas na ng lipad! Hahaha nagpakulay pa nga ng buhok para raw sa graduation, aba. Si Criszel na naka-ilang sampal kay Mikka noong Lip Sync Battle hahahaha at lagi silang may usapan nang kung anu-ano. Si Noel, Noelism! Noelista! Isa ako doon! Hahahaha! Ang cute lang ng boses niya e hahahahaha at dagdag "noel points" ang pagiging gitarista niya.


Si Riyo na ang ingay rin, kaya nawala ang pagkamahiyain ko sa kanya e (naging makapal na mukha ko hahahahahahahahahah), puro kalokohan ang iniisip, pero bipolar ata 'to, minsan matured, minsan nakikita mo na lang na naglalaro ng paper plane. Si Bits na Bitter ang nickname, magaling kumanta, iba! Si Ann, na may tinatagong lihim na hindi ko mawari kung ano, alam siguro ng kaibigan niya na si Veegie, Pero sikreto 'yon, huwag na natin alamin pa. Si Sheena na laging all-smile kapag nakikita mo hahahaha at bigla na lang magiging maloko. Si Diana na hindi mo maintindihan kung gusto ba niya si Nel o wala naman talaga hahahaha! Si Kristelle na fluffy kapag sumasayaw at bigay-todo! Kapag performance, walang inuurungan, sige lang! At ang aming leader na si Em, na akala nang marami na 'mataray' raw pero may good side si Em ah lalo na kapag nakakasama mo siya pero kung may good side, may bad side din. Waahahahahha sabay gano'n e'.


At ang bagong Group 3, ang kapangalan ko na si Carl Angelo, grabe, almost the same. Choir 'yan kaya kapag nanligaw 'yan, iba! Si Ate Jeshia, maraming kapatid sapagkat ate at kuya ang tawag niya sa amin. Pero i-special mention ko lang na nagandahan ang boss ko sa kanya hahahaha nung dumaan siya sa office namin. "Makipagpalit ka nga Kharl ng assigned office doon sa babae na dumaan dito." sabi ng boss ko, aba matinde! hahahaha! Si Russel na puro kalokohan sa aming leader hahahaha! Si Jeric na may DJ voice, lalim ng boses! Sarap pakinggan! Si Justin na former klasmeyt, dating taga-Adamson, magaling sumayaw, iba ang galing, natural sa genes! hahahaha at si topnotcher, Ron! Kapitbahay lang pala ng school ko 'to (TUP) at iba rin kung dumamoves! Syempre sa sayaw 'yon hindi sa pag-ibig. *ehem*



Sa totoo lang, wala akong ganoon ka-close dahil hindi sapat ang 2 months pero may mga tao na siguro it's too late para makilala ko pa dahil patapos na ang GIP, sayang nga lang, nakakainis 'yung mahinang pakikipag-socialize ko kaya hindi ganoon karami ang nakilala ko. Wala akong ka-close nang matindi pero marami akong naging kaibigan at mga taong kapag nilapitan mo e' papansinin ka naman. 2 araw bago ang graduation, may kakikilala pa nga lang ako si Meryl hahahaha pero kilala ko naman ang lahat sa mukha pero hindi ko alam ang pangalan. Isa-isahin natin






Si Aaron, baymax ng GIP! Hahahaha kapag kasama mo, maloko at syempre kaya niya ang sarili niya, kaya niyang ibigay ang best niya kapag dance performance. Si Thea na hindi mahilig sa make-up, laging may hugot sa Facebook, e' si Gideon pala 'yon (hala spoiler) hahahaha! Si Rinagene, na may good leadership at taken na raw hahaha si Marvin! Kwento ko lang, pareho kaming 4th floor at magkatapat pa ang office namin, 2 beses na akong nag-hi/good morning sa kanya pero hindi niya ako pinansin (hala, bakit kaya?) kaya noong may sulatan sa likod, nasulat ko tuloy sa kanya ay "snobber" pero sinong makakapagsabi na after nun, pinansin na niya ako yeyy hahahahah at 'fafa Marvin' nga raw ika ng mga fans niya hahahaha!




Si Joseph, na kapag kinabahan ay, kabahan na rin ang mga kasama niya. Hindi mo mawari kung matino ba o mukhang ewan. Anonymous daw at maka-Binay! Nagtataka raw siya kung bakit lahat nang minamahal niya, iniiwan siya. Bakit kaya?  Si Kamille na astig sumayaw! At crush siya ni Riyo (hala), si Stephen na magaling sa editing, astig! At tropa! Si Jeffrey na ang galing sumayaw! Na kapag nag-perform ang isang group, siya talaga ang mapapansin mo e, iba ang moves! May picture ako na nakita kahawig niya si Janine Gutierrez.
Si Karina na laging inaasar ako sa topic na 'pag-ibig' hahahaha at may anggulo na kahawig niya si Yaya Dub. Si Edward na buraot pero fit pa rin daw! Hahahahaha si Bency na maingay pero sa totoo lang, natutuwa ako sa kanya dahil sa mga biro niya hahahaha si Shayra na ilang beses naging best performer! Karibal ni Mikka hahahahaha at taga-La Salle, wow! AN1MO!

At bigay-todo talaga siya kapag may performance, iba ang pusong Archer hahahaha! Ingat lang, baka madulas ulit. Si Christian, tandem sila ni John Lloyd, duo ba! At si Christian, laging tinawatag ni Kristelle, sila na ba? Si JL, laging busy, sa earphones, own life ba hahahahaha si Gideon na iba kung mag-host, english kung english at maloko, bigla na lang magbibiro hahaha! Kapangalan niya pa 'yung bida sa Legends of Tomorrow! "Ok Gideon, let's go to 1944, Philippines." sabi ng actor do'n.

Si Adrian na magaling kumanta! Ang ganda ng boses! kaya si Mikka ano e' hahahaha tapos magugulat ka na lang, galit na pala si Adrian haha kahit hindi naman halata. Si Ei-Jhei na kapag nasalubong mo, laging ngiti ang sasalubong sa'yo, oh diba, happy. Hi! Hello! ba! Si Noriel, na may masama akong ginawa sa kanya na hindi ko pa rin malilimutan, pababa ako mula 15th floor, kasabay ko siya, pasakay ako ng elevator at pasunod siya pero nakalimutan ko i-hold ang elevator kaya naiwan siya. Hay :( Hindi ko makalimutan 'yon dahil ALAM KO ANG FEELING NANG NAIWAN... ay teka.


Sina Joshua at Veegie, na iba talaga! Kapag nalulungkot ka, mapapasaya ka talaga nila sa paraan nang pagpapatawa hindi sa ano (sina Nel, Edward at Justin lang nakakaalam nun) at kapag silang dalawa ang nag-host, parang Comedy Bar! Hahahaha sulit ba! Nakakapagpasaya kayo ng maraming tao kaya ipagpatuloy niyo lang 'yan, JV tandem! Si tukayo, si Carl Vincent na akala mo tahimik pero may ibubuga pala hahaha astig! Masayang kasama lalo na kapag kasama si Joseph, parang pagkain na hindi kumpleto kapag kulang hahahaha! Si MK! Mark Kevin, na sa totoo lang na hindi kami matatapos ng usapan nang hindi kami nagtatawanan, hahahahaha! Ang saya parati ng usapan namin ni MK, sayang nga lang dahil hindi kami gano'n naging ka-close, kung naging close kami, siguro laughter is the best medicine na ang aming motto.


Si Nadine na bigla bigla na lang mangangasar hahahaa si Kriztan na K-Pop fan at iba ang bagsik ng kanyang sayaw! Loyal kung loyal sa Korean! Anungsayo! Si Vin, tropa! Kapag nakakausap mo, e tropa talaga. At sa mga hindi ko na-mention, kilala ko naman po kayo sa mukha pero hindi sa pangalan pero ako po'y nagsisisi na hindi ko kayo makilala, siguro may next time pa. Family tayo, GIP kaya marapat lang na makilala natin ang isa't-isa.

At may ihahabol ako na special mention, na may kahawig at kaugali pa. Reincarnation ba nang mga nakilala ko noon. Kaya sa simula pa lang, magaan na ang loob ko sa kanila.

Si Rvin, kahawig niya 'yung bestfriend ko nung high school, pareho pa pumorma pero hindi kaboses hahahahaha!!! Iba si Rvin e' hahahaha magugulat ka na lang, gumagawa na pala ng kalokohan. Pareho pa pumorma, mahilig sa polo, akala mo naman araw-araw ay JS prom.
katulad nito
Minsan din siya nagsuot ng eyeglasses na pareho sa bestfriend ko kaya ayon. Diego raw tawag ng mga kaibigan niya, hindi ko alam kung bakit pero aalamin natin hahahah! Si Alyanna, kahawig niya 'yung cute na teacher ko noong high school, baby face din kasi, pareho pa sila kung ngumiti hahaha biology teacher siya, 'di ko sure kung fav. subj ni Alyanna ay Biology din hahahaha! Si Bency, kahawig niya 'yung pinsan ko kapag nakasalamin, pero iba ang pagiging kalog ni Bency, orig! Hahahaha!



At si June, hindi niya kahawig, pero, pero, pero, pareho sila ng mannerism, boses (na mababa), height, buhok, porma, magaling mag-rap, sumayaw, book-reader, matalino. At 'yon ang pinakaayaw kong tao ngayon na dati kong high school classmate (Taga-UP ba naman, ang yabang, kainis! Hahaha teka kalma) pero better si June dahil may good side si June na wala doon sa epal kong classmate. Long story pa to tell kaya minsan, iniiwasan ko si June kasi naaalala ko lang 'yung pinakaayaw ko na tao sa mundo. Diba :|

Pero kahawig/kaugali lang naman 'yon, hindi naman talaga sila pero naging marka sila sa akin na parang sinasabi na, "Hindi ka nag-iisa" #LaughOutLoud hahahahaha!

Kaya nung gumawa ng scrapbook, nag-drama ako doon sa mga nangyari sa GIP, parte nun ay ang ginawa kong Facebook timeline na wala akong maisip na ideya at sa 6 na box na friend list ko (na-drawing ko), 2 doon ay epal, 2 doon ay gusto kong maging kaibigan, 2 doon ay ewan hahahaha! Hala, siguradong huhulaan nang mga nakabasa ng scrapbook entry ko kung sino-sino 'yon. Hahahaha!



Sa GIP, bawal ang pag-ibig pero hindi pa rin maiiwasan. Ayoko nang banggitin ang mga love bird, kasi malay ko ba kung bukas e BREAK na, wala raw forever diba? HAHAHA Lifetime meron! Sabi ni Noel 'yan! #Noelism e tutal graduation na, after daw nito ay pwede nang lumipad ang love birds!


MGA PATUNAY NA LOVE IS IN THE AIR, LOVE IS BLIND, AND LOVE IS GOLD








meron siyang forever
Minsan na rin akong nag-post sa FB na may crush ako sa GIP, meron pero may isa rin akong crush na hindi GIP, employee sa DOTC, sa 17th floor, taga-receive sa office ni Secretary, apple cut ba ang buhok, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya kaya sa kilala ko na lang hahaha (loko), naging crush ko siya sapagkat hinahangaan lang naman, kanya-kanya tayong perspective pagdating sa pag-ibig, hindi naman 'to pupunta sa the moves na, (KASI MAY MAG-IINGAY NA NAMAN DIYAN AT MANGANGASAR hahahahaha kainis) kaya ayoko rin sabihin dahil iyon nga, trending worldwide lang 'yan kapag may sinabi ka na parang apoy, kapag nilagyan mo pa ng maraming gas, lalong aapoy. (Katniss, Catching Fire)
ctto

Si C......


ctto
Naging crush ko siya dahil natutuwa lang ako sa kanya sa mga biro niya. No.1 na hinahanap ko sa isang babae e ang happiness (ayon naman talaga) at lahat naman ata iyon ang hinahanap kaya nadale niya ba. Hahahaha! Si Criszel po, opo, malinaw na malinaw, kasing linaw ng apelyido niya.



Teka....

May naging activity si ma'am na may sulatan ng kung ano ang impression mo sa isang tao. Hindi po totoo na "quiet" ako hahahaha e' tahimik lang talaga ako dahil wala naman ako ganoon ka-close na marami. Hindi ko naman kukunin ang Pol Sci na maraming speech subjects kung tahimik ako hahaha at kung makikilala niyo pa ako, siguro ayon, mag-iingay rin ako hahaha at maingay na ako these past few days with some GIP pero hindi gano'n kaingay sa Twitter (sobrang ingay ko talaga doon) hahahaha! At natutuwa naman ako na may nagsulat ng 'gentleman', well, kailangan 'yan dahil para mawala na ang hinala ng marami na lalake na lang ang laging mali. :p HAHAHAHAHAHA!!!


quiet? hahahah
Ang natutunan ko sa GIP, ay hindi sa pag-photocopy, pa-receive o kahit man mga terms sa Investigation and Adjudication kundi ang paglakas ng pakikipag-socialize ko at ang pagbati ng good morning/good afternoon. Kapag may nakikilala akong strangers, matagal pa bago ko maging close o makausap. Dahil sa nasanay akong bumati ng Good Morning e' muntik ko nang mabati ang magtataho sa amin ng "Good Morning" pero sana binati ko na rin, malay ko, biglang lumakas ang loob niya na magtrabaho buong araw dahil sa isang simpleng, 'Good Morning'. Ang pagtingin sa maraming tao na may lakas ng loob, 'yon ang nag-improve sa akin. Sa Smart Activity, kahit man mali ang steps mo, tuloy lang basta nandoon ang salitang "enjoyment".



Sa mga employee: Sa HRD, kay sir Jerold na tahimik din, kay sir Ninoy na laging happy, nung una ako tumingin doon sa tree picture sa HRD, akala ko sinasama sa tree picture ang president (si PNoy) pero si Sir Ninoy pala 'yon hindi si PNoy! Hahahaha! Si Ma'am Helen na kakaiba ang accent, ang mga boss ko sa Investigation & Adjudication Division at Legal Service na masasaya kasama. Natanong nga ako kung babalik ako sa DOTC, sabi ko na lang, "Tingnan po natin." hahahaha! Balak ko, para sa bansa diba! At si Ma'am Lota, marami akong natutunan sa kanya.



Huling araw bago ang graduation - ang last day ko sa office ay nagpakain ang boss ko at Pizza ang fuds! Sa pagpasok at pag-alis ko sa I&AD, pizza ang simbolo hahahaha! Tuloy, nahilig na ako sa pizza. "Good luck at galingan mo ah." Sabi ni attorney, simpleng salita pero malaking advice na para sa akin mula sa aking boss.



Ang cool ng t-shirt namin, sabi nang iba, street sweeper at tricycle driver daw hahahaa!



Nag-decor na kami ng Unit 156 na sa loob ng 38 araw ay nakasama ng GIP tuwing may practice/meeting/activity. You would not believe your eyes, if ten million butterflies! Hahaha! Ang dami! Ang ganda na naman ng room (kasingganda ni ano.. ni ano), para sa graduation. Ang cool ng mga picture na bilog sa gilid, mga mukha ng GIP.


Nasaan ako?
Ayos dito, ayos doon. 

#AyosPaMore (Boss si JL ah hahahaha!)
Araw ng graduation

Ang ganda ng speech ng mga speaker lalo na kay Ambassador! Gusto ko tuloy makita ulit si Pope Francis sa henerasyon ngayon. At ang mga biro ni Asec. Lantin, hahahaha! change is coming! May free bags, shirts, necklace, tumbler pa! Oh! Hahaha! May awarding rin. Hakot award si president! Pero walang tatalo kung makuha mo ang award na 'to.

May pirma pa ni Ma'am Lota at Director!
"Ma, ito si Kharl oh, ......(matagal natigil).... bestfriend ko." sabi ni June sa magulang niya. Luh hahaha 

And we're down to farewell. Nung kinakanta ko ang "Farewell", do'n ko lang napagtanto na huling araw na pala. At ang May 31 na ang pinakamaingay kong araw dahil halos lahat kinausap ko hahahaha! Yakap dito, yakap doon. Halikan dito, halikan doon :O para sa huling araw ng GIP 2016. Sobrang ikli ng 2 buwan pero kung ninamnam mo naman ito, e' isang memorya ito na magpapatunay sa salitang "Forever".

At sa may mga adventure diyan after graduation. Hahahaha! 




At may sarili akong adventure, sama kayo, sa Scarborough Shoal, ONE-WAY TRIP! Hahahahaha!

(COMMERCIAL: May balak ang ilan na pumunta sa Star City on 3rd weekend of June, entrance ay 280 pesos unli-rides - discounted)

Ito na nga, final speech. Best Summer of My Life! Totoo 'yon, sobrang sulit at worth it (pareho lang) ng Summer ko. Naging makabuluhan! Hindi lang basta sa pagta-trabaho sa GIP kundi sa friendship na nabuo nang lahat! Bitin man ang 2 months, sa tingin ko ay hindi matatapos sa DOTC building ang pagkakaibigan ng lahat. As long as nagawa natin ang part ng pagiging GIP sa DOTC, para sa ekonomiya ng ating bansa. Laban Pilipinas! PUSO!!!!!



FAREWELL GUYS!!!

Only the INTERNSHIP ends, not the FRIENDSHIP


CREDITS: TO ALL THE OWNERS OF THE PHOTOS! 

NOTE: All are my opinions so keep calm. Thank you for reading! Just being expressive of my thoughts. Hahahaha!