Sunday, July 12, 2015

3rd-4th week of college: Awesome

Photo from: http://tinybuddha.com/featured/the-book-of-awesome-review-and-giveaway-autographed-copies/
Patagal ng patagal ay lalong nagiging masaya ang adventure ko sa college. Mas dumadami ang nalalaman, nakilala, at natutunan. Awesome? Word of the year ko 'yan noong 2014. Maraming adventure sa buhay mapa-negative man o positive basta maraming natutunan. Ganito na ang 3rd to 4th week of college ko. Kung naging ma-drama ako nakaraan dahil sa forever alone hashtag ko, parang ngayon ay hindi na. 'Yung feeling na kapag may problema e may malalapitan ka na. 'Yon ay sa mga kaklase ko na ilan ay kaibigan ko na rin.

Wala akong mahanap na kapareho ko o katukayo ko na gusto lahat ng ganito o ganyan. Iba-iba ang trip ng mga kaklase ko e kaya sumasama lang ako sa kanila kung interesado na ako sa isang usapan. Well, as of now, wala pa akong permanent friend, nakikisali lang ako. (Awww saling pusa) pero ayos na 'yon, atleast lahat ka-close ko. Diba, ang cool?

Gusto ko Math, interesado ako sa subject na ito, mas lalo pang naging interesado dahil sa aming professor. Si Prof. Revealing, everyday OOTD (Outfit Of The Day). M-W-F ang klase niya pero madalas nakikita rin namin siya every Tuesday and Thursday around the campus at OOTD pa rin. Dahil dito, tumaas ang humor pick ng PS 101 kay prof na medyo may edad na rin. Tawanan dito tawanan doon. Goodluck, siguradong wala kaming matututunan hahahaha!

Wala pa kami sa "to the highest level" ng maraming requirements. Hayahay level pa lang kami ngayon. Wala pa kaming reporting, projects, long quizzes, etc. at nawa'y tuloy-tuloy ito (Hahahaha! imposible). Nagkaroon kami ng 1st ever quiz. Kinakabahan ng konti dahil susubukan pa lang namin kung paano ang quiz sa college at ang istilo ng professor. Back-to-back pa iyon sa Filipino at Science. Grabe, ang lakas ng wi-fi sa loob ng room. Hindi effective na ipaghiwalay ang mga upuan para walang kababalaghan na maganap hahahaha! Lalo na sa Algebra. Nakilala pa naman ako nilang may kaalaman dito kaya umasa sila sa akin, ayun pinagbigyan ko naman.

#SaklapFriend sa quiz ng Algebra. Alam ko talaga short bond paper e, pinaghandaan ko talaga 'yon mula bahay ay dapat 'wag kong kalimutan na bumili ng 2 short bond paper para sa 1st quiz ng Algebra. Sa quiz, Todo sagot na ako dahil sobrang dali ng mga tanong (Ala e, ang yabang - Pero totoo naman, madali lang 'yung mga tanong.), ang bilis ko pa talaga magsagot at umabot pa sa likod ng bond paper ang sagot ko. Feeling genius talaga ako after ko dahil 15 minutes lang ako nag-solve at ako pa ata ang unang natapos. Syempre lumakas ang wi-fi at nai-share na sa ibayong dagat ang sagot ko hahahahaha! (Seryoso pero masaya 'yon, gano'n talaga.)  Tapos nang ipapasa na ang papel.

"Hindi ko 'to tatanggapin." Sabi ng prof, kinabahan ako, feeling ko sa akin ang papel. TA-DA!!!! Sa akin nga! Hay! Long bond paper pala ang required. 'Buti na lang tinulungan ako ng mga kaklase ko na gumawa ng paraan. Dinikit sa long bond paper at ayun pinasa kay prof na pahirapan pa. Grabe, 45 points din 'yon! GC ako e hahahaha! GC - Grade Conscious

Kaya ayun sa Envi Sci, dapat palagi may recitation para mataas ang grade kaya ako talagang pinaghahandaan ko ang tanong ni prof sa Science, taas kaagad ako ng kamay kahit hindi ako sigurado sa sagot hahahaha! Sa Filipino naman, satisfied ako dahil iniwasto na ang quiz at pasado ako. Yahooo!!

So far so good naman sa academics ko, sana tuloy-tuloy at kakayanin ko naman. May tiwala ako sa sarili ko, inspirasyon sa parents ko at guide mula kay God. Kapag may ganyan ako parati, tiyak, awesome ang college life ko.

Photo from: http://christopherwink.com/2012/05/21/how-to-make-friends-build-connections-in-philadelphia-or-any-city/
Sabi ko noon, wala akong magiging pake sa mga kaklase ko pero binida ako ng dalawang kaibigan mula sa 2nd year at 3rd year Pol Sci na dapat magkaroon ng maraming kaibigan at magtulungan sa block. Ginawa ko naman at hindi ako nagsisi pero hindi ko pa rin kakalimutan na 'wag maging pala-barkada, syempre dapat aral ang pagtuunan ng pansin. Hindi naman ako nagsisisi sa mga kaklase ko, lahat masayang kasama. Blessed ako na ganito ang mga kaklase ko ngayon, bukas at magpakailanman. (Aba palabas lang sa GMA 7 ba hahaha!) Salamat kay God na pinagbuklod mo kaming PS 101 sa Adamson University batch 2019.

Issue: Sabi nila na kapag block daw ay sama-sama. Iba ang PS 101, may paksyon hahaha! Unblock ang PS 101 at sa tingin ko hindi uso ang 'unity' sa room. 'Yan ang aming dapat bantayan dahil dapat magkaisa kami. Susubukan nito ang group contest ng Filipino month (August), ayon sa aming prof sa Filipino ay folk dance ang contest na may 15-20 members ang pwedeng sumali. Volunteer na ang ilan na sumali para maging representative ng PS 101 sa nasabing contest. Gusto ko rin sumali pero individual ako, gagamitin ko lang ang aking talento sa pagsulat, sasali ako sa pagsulat ng sanaysay.

Pansin n'yo, hindi ako nagbabanggit ng pangalan ng tao? Hahahaha! Kung meron, madalang lang. Lalo na sa pangalan ng professors? Sa totoo lang e hindi ko kasi alam names nila, hindi ba naman kasi nagpapakilala o kaya 'di ko kabisado hahahaha! Sa pangalan naman ng ilang kaklase ko o kaibigan, siguro sa susunod na ako magbabanggit. Trip ko na variable lang sila e (x at y whoa) hahahaha!

Ang hirap talaga ng transpo ko, from bahay to LRT station to Legarda, to sakayan ng jeep to SM Manila to Adamson. Well, 'yung iba nga mas grabe pa ang dinaranas kaya tanggap ko na lang kahit hassle ang pagpasok ko sa school. Totoo nga na papasok akong maayos pero pagdating ko ng school ay hindi na hahaha! Kung alam ko lang magbisikleta o magmotor, edi sana 'yon ang transpo ko papasok at pauwi. Ang saya nun! Ingat nga lang dapat.

Photo from: http://adamsonnetwork.tumblr.com/page/61
Tatak Adamson! Ito raw ang event na idinaraos every year para sa freshmen and transferees o tinatawag na - Hashtag FTW 2015 - Freshmen and Transferees Week. Yahoooo! Excused kami dito kaya naiwasan ang quiz hahahaha!

Favorite day ko sa college ay Thursday, 3 subjects lang kasi ang meron dito, up to 12 noon lang, at astig pa ang mga prof sa araw na 'yon. Ayaw ko naman ang Tuesday dahil until 3pm kami pero hindi naman boring ang subjects. Basta, lahat ng subjects at professors ay masaya kaya sulit ang 1st semester ko sa college.

Balik sa Tatak Adamson, may opening activity, grabe, parang nanood na ako sa isang talent show. Nagpakitang gilas lahat ng talents o pride ng Adamson. Napanood ko rin sa wakas ng personal ang nakikita ko lang sa TV - CAST, Pep Squad, AUDYO, etc. Goosebumps! 'Di pa rin talaga ako makapaniwala na isa na akong Adamsonian ngayon! Awesome!!!!

Tuloy, nagkainteres ako na sumali ng AUDYO pero nagdadalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang schedule nito na maaaring maging problema ko sa oras ng kagipitan (Busy sa ganito at ganyan). Nagdesisyon ako na 'wag na lang sumali dahil ayaw ko rin ang hairstyle. Sayang naman, alam ko na talaga lahat ng cheers ng Adamson, 5 taon na ako sumusuporta sa Soaring Falcons. Hanggang cheer na lang ako as a fan or as an Adamsonian. 

Kahit man nanghikayat si prof. revealing na plus points kapag sumali sa Adamson University Math Society, hindi pa rin ako sumali - Ang mahal ng registration fee (80 pesos) kuripot ko talaga hahahaha! *yabang alert* 'di ko naman kailangan ng org dahil likas na ako sa Math trolololololol 

ZERO ORGANIZATION. Dumaan ang registration sa mga org pero wala akong sinalihan. Maski sa Campus Ministry Office na sinalubong na ako, baka next year ay doon ako bumawi. Rest muna ako sa extra acitivites. Nagsawa na ako last year (4th year HS) dahil marami akong sinalihan.

May officers na sa PS 101, akala ko ako magiging presidente e, ayoko muna. Pahinga muna sa pagiging bida bida hahahaha! At si President ng PS 101 ay pamangkin ni Father Greg! Kaya lang mahirap siya kausap, ganito kasi si pres ng PS 101 - Taas ng pride. :/ Mahirap makipag-usap.

Tatak Adamson na! Excited ako dito dahil isang beses lang daw ang event na ito sa buong buhay ng isang tao! Hahahaha tatatakan ang suot na white t-shirt ng ilang AUSG members bilang pagtanda na isa na akong Adamsonian! Yahoooo!! Nakakaproud! 

Mystery: May gagawin gulo raw after ng event, ang magbabatuhan ng powder!!!! Umiwas talaga ako/kami sa may mga hawak ng powder na color blue. Grabe, kawawa ang iba dahil tinaboy talaga ng blue powder. Ako naman, syempre mala-action star at naiwasan ang lahat ng nagtataboy. Wahahahaha! Ligtas! Pero ang saya ah! Kahit man nakakaubo 'yung ginawa nilang biglaan na pagtaboy sa freshmen at transferees sa SV facade.

Night party na! Inaabangan ko lang talaga ang Hale. Mahaba-haba rin ang hinintay ko kasama ng mga kumakapit pa! Ilan na lang kaming natira na PS 101 na umabot hanggang 10:40pm ang concert. Hindi man lang nakanta ng Hale ang 'Shooting Star' na peyborit ko sa kanila. Sa bahay ko na lang 'yon pinatugtog (Sad layf) para atleast nadama ko ang concert hangover. Sulit naman ang concert kahit nakakapagod. Masaya! Next party raw ay send-off party kung kailan malapit ang graduation. Aba ang layo ng agwat.

Tuloy, 'di ako nakapasok ng NSTP class dahil anong oras na rin ako nagising. Ayt.

Photo from: PAGASA; Edited by: ME hahahaha!
Update: Bagyong Falcon! Kasama pa si Bagyong Egay! Bida ang Adamson ngayon dahil sa bagyo. Nag-suspend noong Lunes pero huli na. Uwian na rin namin. Nanlibre si kuyang 3rd year PS 101 dahil birthday niya nakaraang araw sa KFC kaya sulit naman ang suspension ng klase kahit late na. Grabe ang panahon, sa forecast, mukhang maulan ang buong linggo.

Before the week na maulan: Nag-ingay na ako sa Twitter at Facebook na maulan ang susunod na Linggo dahil sa bagyo. Nangamba pa nga ako dahil nangangamoy suspension of classes ito. Dahil sa pagiging beterano ko sa bagyo at suspension o hashtag walang pasok, nakipagpustahan pa ako sa kaklase ko na sa Tuesday-Wednesday-Thursday, may araw dyan na walang pasok.

Ta-da! I won! May 2 shake din ako na double dutch sa ST canteen. Kasi naman, ako pa ba ang kinalaban sa pustahan kung saan beterano na ako? Hahahaha! #WalangPasok July 6, 8, 9, 10, 11. Binida pa pati July 17, Friday ay holiday kaya walang pasok din. 

Maulan na linggo kaya nasa bahay lang. Siguradong sa susunod na linggo, bibilisan ang pagtuturo dahil kailangan ng adjustments, malapit na ang preliminary exam. Ihahanda ko na ang sarili ko sa isang malaking pagsubok. Good luck sa akin sa prelim - Nawa'y maganda ang resulta. Tiwala. Inspirasyon at Gabay. Go Kharl!!! 

Time check habang ginagawa 'tong blog post: 12:36AM JULY 12, 2015. At the moment hahahaha! 


-Kharl :-)


Abangan ang Prelim of college! Wohooooo!!! :D




Friday, July 10, 2015

2nd week of college: Reality

Photo from: http://barclaylittlewood.com/preaching-reality/
Welcome to Reality! Realidad na nasa kolehiyo na talaga ako. Pero hindi pa talaga e. Gaya nga nang sinabi ko sa nakaraan, parang nasa high school pa rin ako. Same nature pa rin. Gano'n ang pag-uugali ng nasa paligid ko, hindi lang kaklase kundi ang prof. Well, noong high school kasi ako, may mga teacher kami na professor sa college kaya nakasanayan ko na rin kung paano magturo ang isang professor. Sulat dito, sulat doon. Ala e, kailangan mapuno ang board (White board goals ^_^) para masiguro na maraming naituro ang isang professor. 

Mas malaki pa nga ata ang school ko sa high school kaysa sa Adamson. Pinagkaiba lang talaga ang ID na i-tap sa machine at lalabas ang "Access granted" sa monitor. Astig, mala-police station lang ba. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa university na 'to ako makakapag-aral. Dream come true (Salamat po Papa God sa blessings at syempre sa aking parents). Soar high Falcons! Anumang mangyari, mamahalin at mamahalin ko ang school na 'to. #LoyalSaAdamson #MayForeverSaAdamson

Araw-araw naman ako dumadaan sa SV Church para magdasal - Gabayan sana ako sa kolehiyo. Sa totoo lang, 'di ko pa ramdam ang pagiging college student base sa experiences ng upperclassmen na grabe talaga. Mabuting handa na ako kaysa maging mangmang. Sanay naman na ako sa maraming gawain at sanay rin na bumagsak sa kabila ng taas ng lipad (Falcon 'yan e hahahaha!). Alam ko darating ako sa mga sitwasyon na ganyan, mabuti nang alam ko para maging handa ako (Naks parang bagyo lang, pinaghahandaan). Lamang ang may alam diba? Aral lang ng mabuti, tiwala lang sa sarili at dasal lang kay God. 2 weeks pa lang ako, marami pa ang mangyayari.

Photo from: https://improvingpolice.wordpress.com/2014/11/18/great-expectations/
Expectations Reality. Parati naman ganyan. Hindi naman sa high expectations kundi grabe ang inasahan ko sa unang bugso ng aking college life. Naisip ko na 'yung mga kaklase ko ay talagang kasing talino ni Einstein dahil Pol Sci nga diba na matatalino at mala-politicians ang itsura. Umasa naman ako sa professor na puro gawain na ang ibibigay. Ang PS 101 nga ay hayahay pa sa ikalawang linggo ng kolehiyo (Good news ito hahahaha!) Nawa'y tuloy-tuloy! Hahahaha! Gulat ako sa ibang block na may projects at reports na. Bababaan ko na ang expectation sa susunod para hindi umasa. *hugot alert* 'wag ka nang umasa kung alam mo naman pala ang kinalabasan. 

Maski rin sa day at night dream ko kung ano ang magiging sitwasyon ko bilang college student. Malayong-malayo talaga! 'Di ako makapaniwala na ibang-iba. Hindi talaga. Matatawa na lang ako. Pero subalit datapwat, hindi porke't tumugma ang expectations ko ay hindi ako masaya sa posisyon ko ngayon sa kolehiyo. Mukhang magiging, "rak" ito. Wohoooo!!

Photo from: http://thewowstyle.com/alone-pictures-and-photos/
#ForeverAlone - Actually, masaya ako sa first 2 weeks ko sa college pero hindi ko pa rin maikakaila na lonely ako. Sa pagpasok at sa pag-uwi. Sa pagpunta dito at dyan. Sa paggawa ng ganito at ganyan. Sa ngayon, wala akong permanenteng tao na kinakausap kung sino ba talaga ako? (Malay n'yo, ako na pala si ..... secret ;) hahahaha!) Nagiging masaya ako kahit alone ako dahil masaya ang mga taong nasa paligid ko (Sa loob ng room kapag klase) pero teka, parang hindi naman ata ako alone 'pag gano'n. Kahit sino na lang ang makasama ko sa ganito ganyan. Wala e, nakididikit lang. Feel ko talaga mag-isa ako palagi. #ForeverAlone

Kilala ko na lahat ng mga kaklase ko sa pangalan, ang ilan sa kanila kilala ko na ang background. Gusto ko pa silang kilalanin lahat dahil tiyak matagal din ang pagsasamahan namin. Salamat talaga kay prof theology sa pinagawa niyang challenge na kabisaduhin ang names ng mga kaklase. 

May kilala na rin akong upperclassmen. Kaya naman hindi ako magiging inosente sa mga susunod na kabanata ng aking buhay kolehiyo. Sinadya ko 'yon para hindi ako maging bully (if ever, nakakatakot din) sa college kasi 'pag wala kang alam, nako, aasarin o mamaliitin ka nila. 

Realidad ng buhay, gano'n talaga e, dapat tanggapin. Kung ano ang nandyan edi ayun. Pero pwede ko naman mabago ito dahil ako mismo ang gumagawa ng realidad ng buhay ko. Tama diba? Hay! More more weeks of college life to come. 


-Kharl :)


Coming Up! 3rd-4th week of college :-)