Friday, July 10, 2015

2nd week of college: Reality

Photo from: http://barclaylittlewood.com/preaching-reality/
Welcome to Reality! Realidad na nasa kolehiyo na talaga ako. Pero hindi pa talaga e. Gaya nga nang sinabi ko sa nakaraan, parang nasa high school pa rin ako. Same nature pa rin. Gano'n ang pag-uugali ng nasa paligid ko, hindi lang kaklase kundi ang prof. Well, noong high school kasi ako, may mga teacher kami na professor sa college kaya nakasanayan ko na rin kung paano magturo ang isang professor. Sulat dito, sulat doon. Ala e, kailangan mapuno ang board (White board goals ^_^) para masiguro na maraming naituro ang isang professor. 

Mas malaki pa nga ata ang school ko sa high school kaysa sa Adamson. Pinagkaiba lang talaga ang ID na i-tap sa machine at lalabas ang "Access granted" sa monitor. Astig, mala-police station lang ba. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa university na 'to ako makakapag-aral. Dream come true (Salamat po Papa God sa blessings at syempre sa aking parents). Soar high Falcons! Anumang mangyari, mamahalin at mamahalin ko ang school na 'to. #LoyalSaAdamson #MayForeverSaAdamson

Araw-araw naman ako dumadaan sa SV Church para magdasal - Gabayan sana ako sa kolehiyo. Sa totoo lang, 'di ko pa ramdam ang pagiging college student base sa experiences ng upperclassmen na grabe talaga. Mabuting handa na ako kaysa maging mangmang. Sanay naman na ako sa maraming gawain at sanay rin na bumagsak sa kabila ng taas ng lipad (Falcon 'yan e hahahaha!). Alam ko darating ako sa mga sitwasyon na ganyan, mabuti nang alam ko para maging handa ako (Naks parang bagyo lang, pinaghahandaan). Lamang ang may alam diba? Aral lang ng mabuti, tiwala lang sa sarili at dasal lang kay God. 2 weeks pa lang ako, marami pa ang mangyayari.

Photo from: https://improvingpolice.wordpress.com/2014/11/18/great-expectations/
Expectations Reality. Parati naman ganyan. Hindi naman sa high expectations kundi grabe ang inasahan ko sa unang bugso ng aking college life. Naisip ko na 'yung mga kaklase ko ay talagang kasing talino ni Einstein dahil Pol Sci nga diba na matatalino at mala-politicians ang itsura. Umasa naman ako sa professor na puro gawain na ang ibibigay. Ang PS 101 nga ay hayahay pa sa ikalawang linggo ng kolehiyo (Good news ito hahahaha!) Nawa'y tuloy-tuloy! Hahahaha! Gulat ako sa ibang block na may projects at reports na. Bababaan ko na ang expectation sa susunod para hindi umasa. *hugot alert* 'wag ka nang umasa kung alam mo naman pala ang kinalabasan. 

Maski rin sa day at night dream ko kung ano ang magiging sitwasyon ko bilang college student. Malayong-malayo talaga! 'Di ako makapaniwala na ibang-iba. Hindi talaga. Matatawa na lang ako. Pero subalit datapwat, hindi porke't tumugma ang expectations ko ay hindi ako masaya sa posisyon ko ngayon sa kolehiyo. Mukhang magiging, "rak" ito. Wohoooo!!

Photo from: http://thewowstyle.com/alone-pictures-and-photos/
#ForeverAlone - Actually, masaya ako sa first 2 weeks ko sa college pero hindi ko pa rin maikakaila na lonely ako. Sa pagpasok at sa pag-uwi. Sa pagpunta dito at dyan. Sa paggawa ng ganito at ganyan. Sa ngayon, wala akong permanenteng tao na kinakausap kung sino ba talaga ako? (Malay n'yo, ako na pala si ..... secret ;) hahahaha!) Nagiging masaya ako kahit alone ako dahil masaya ang mga taong nasa paligid ko (Sa loob ng room kapag klase) pero teka, parang hindi naman ata ako alone 'pag gano'n. Kahit sino na lang ang makasama ko sa ganito ganyan. Wala e, nakididikit lang. Feel ko talaga mag-isa ako palagi. #ForeverAlone

Kilala ko na lahat ng mga kaklase ko sa pangalan, ang ilan sa kanila kilala ko na ang background. Gusto ko pa silang kilalanin lahat dahil tiyak matagal din ang pagsasamahan namin. Salamat talaga kay prof theology sa pinagawa niyang challenge na kabisaduhin ang names ng mga kaklase. 

May kilala na rin akong upperclassmen. Kaya naman hindi ako magiging inosente sa mga susunod na kabanata ng aking buhay kolehiyo. Sinadya ko 'yon para hindi ako maging bully (if ever, nakakatakot din) sa college kasi 'pag wala kang alam, nako, aasarin o mamaliitin ka nila. 

Realidad ng buhay, gano'n talaga e, dapat tanggapin. Kung ano ang nandyan edi ayun. Pero pwede ko naman mabago ito dahil ako mismo ang gumagawa ng realidad ng buhay ko. Tama diba? Hay! More more weeks of college life to come. 


-Kharl :)


Coming Up! 3rd-4th week of college :-)




No comments:

Post a Comment