Friday, June 26, 2015

3rd-5th day of college: Normal

Photo from: http://thebodyisnotanapology.com/magazine/killing-normal-how-the-desire-for-normalcy-ruins-self-love/
Hindi ko pa rin ramdam na nasa kolehiyo na ako. Parang nasa high school lang, bakit? May mga kaugali, kaboses, kahawig, at kapangalan pa. Mararamdaman ko lang talaga na nasa kolehiyo ako kapag mayroon na akong ID at ita-tap sa machine (Hahaha! Wala kasing gano'n noong HS).

Ayun, nangangapa pa rin ako sa mga kaklase ko. Wala pa akong gano'n ka-close. Atleast may mga paksyon na sila o group of friends, makikita na mabilis ang social spark sa loob ng aming section pero ako? Mukhang matatagalan pa. Ang hirap din kasi mag-adjust, nakapaninibago. Hindi ko nga pa nga kabisado ang mga pangalan ng mga kaklase ko pero normal lang 'yon dahil bagong set of people kasi ang kinakaharap ko ngayon kaya adjustments na lang siguro. Hindi ko nga rin alam kung ilan kaming lahat na Block PS101. Marami rin irreg na sumasama sa amin. Karamihan ng mga irreg ay maganda at gwapo? Bakit kaya? Hahahaha! Transferees o Scholar ang maaaring dahilan kung bakit sila irreg.

Sa mga sumunod na oras ng aking college life, nagkakaroon na rin ng adjustments. Ayun, positibo naman ang resulta. Parang normal na rin ang lahat. Wala pa akong gano'n ka-close, as long as may nakakausap ako at sinasagot ako ay magandang pangitain 'yon na makakasundo ko silang lahat. Ako naman 'yung tipo ng taong kahit sinong kaibigan pwede, kahit man gangster 'yan at jejemon na 'di ko ugali ang gano'n e masaya naman silang kaibigan.

Paiba-iba ako ng upuan, mala-maze runner. Hahahaha! Wala naman kasi kaming permanent seat kaya kahit saan pwede pero ang mga kaklase ko ay permanente na sa kanilang upuan at hindi na nagpapalipat-lipat. Sadyang ako lang talaga ang adventurous sa loob ng room kaya saan-saan na ako napupunta (Hahahaha!) As long as natututo ako sa lecture ng mga prof. e ayos lang.

Hashtag feeling genius. Lumaki na naman ulo ko. Sa totoo lang, magaling naman talaga ako sa Math, sa pag-compute ng ganito ganyan, hilig ko talaga ang numbers. May part lang ng Math na nahihirapan ako (Sa graph at trigo). Nakita nila ang galing ko sa Math nang mag-recite ako sa pinapa-compute ng prof sa Theology. Hahahaha! Ito kasi ang dahilan nun, inaantok na kasi ako sa oras ng theology dahil medyo nakakaantok ang lecture ni prof, pinilit kong magising kaya nang may ipa-solve si prof na math operations e na-compute ko kaagad kaya ayun, nagising ako. Hahahaha! Napalaganap tuloy sa room na magaling ako sa Math (Patay, #AlamNa). Hindi ko inaasahan na marami sa Pol Sci students ay ayaw sa Math, alam ko nga marami ang math nito sa mga number na pag-aaralan sa ganito at ganyan ng Political Science. Willing naman akong tumulong o magbahagi ng kaalaman ko sa mga kaklase ko (Yea, sharing of talent given by God) about Math kung may katanungan tutal isang sem lang naman kami may College Algebra (Salamat!!!)

Hindi ko talaga naitatalaga ang oras ko ng pag-uwi, palaging paiba-iba. Minsan naglilibot pa ako sa campus o kaya naman dumadaan sa SM Manila. Gusto ko habang maaga pa e makilala ko na ang lugar na 'to para hindi na ako maging mangmang. Tama lang na pampaubos oras ko ay paglibot around the campus inside and outside. Ingat nga lang dahil baka may mangyaring hindi inaasahan (Nasa Maynila ako, maraming masasamang-loob dito.). Hindi pa naman ako mukhang freshman, matured kahit papaano kaya naman hindi ako magiging inosente 'pag ako'y naglalakad kaya hindi naman ako siguro pagti-tripan. Ingat na lang palagi!

Excited ako sa NSTP, nakita ko kasi kung paano ang NSTP ng tita ko. Masaya (CWTS) dahil puro sila adventure at maraming matututunan sa buhay-buhay. Expectations, reality. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang prof namin o hindi. Ayos lang siya pero strikto! Nagkaroon na kami kaagad ng violations - Ako, dalawa! Hahahaha hindi nagpagupit ng buhok at hindi nakasuot ng NSTP shirt; Dahilan ko naman doon e syempre 1st day pa lang kaya baka wala pa sa rules na kailangan 2x3 na ang buhok, tapos wala pa akong NSTP shirt, middle class lang kami, nakakaranas ng hirap at ginhawa, kaya ayun wala pa akong pambili ng shirt. Sobrang higpit ng CWTS, nakita ko na ang ROTC ay mas maluwag pa sa CWTS, nasaan ang hustisya?! 'Yung feeling na 2x3 haircut ay para sa kanila ay dapat army cut. Anyare? Hahahaha! Pero depende lang naman daw ito sa prof sa CWTS. Kung minamalas nga naman kung bakit siya pa ang prof ko pero ito na nga, may gusto rin ako sa pagiging prof niya dahil ang pagiging 'Nationalism' niya, gusto ko ang mga ganu'ng tao, makabansa! Gagawin ang lahat para lang maiangat ang bansa! Laban Pilipinas! (PUSO!) kaya hindi ko rin masasabi totally na ayaw ko ang prof namin sa CWTS. Feeling ko naman e magiging ka-close namin siya dahil mukha naman mabait, strikto nga lang. (Gets n'yo? Malamang hindi.)

Nawa'y sa mga susunod na araw ay maging normal na ang lahat - normal na katulad sa high school na talagang nakakausap mo ang lahat. Debale, ilang araw pa lang naman, 4 na taon kaming magsasama-sama kaya siguradong malaking boost o pagbabago sa social life namin PS101.



-Kharl :)


Next journal tomorrow! Daming ginagawa kaya hindi updated. 2nd week of college ang cover.

No comments:

Post a Comment