Tuesday, June 16, 2015

1st day of college: Happiness

Photo from: http://www.abci-english.at/learning.php
Nagbabalik muli ang aking blog! Matapos ang mahabang panahon na inactive dahil sa dami ng gawain noong high school. Ngayon, college na ako. Gusto ko lang maging active muli ang blog na 'to at magkaroon ng 'Online Journal' tungkol sa aking buhay kolehiyo na puno ng adventure.

Photo from: http://aliveagainpositiveliving.com/2015/04/the-art-of-happiness-be-happy-now/

FIRST Day: HAPPINESS 

"Hay!" Ang sabi ko na lang habang bumibili ako ng single journey ticket sa LRT. Planado na talaga ang transpo ko sa unang araw ng klase. LRT-2 then jeep. Mahirap na ngayon unlike noong high school na isang jeep lang at 6 pesos na pasahe, ngayon, lagpas bente pesos pa ang pasahe, matagal pa ang biyahe, mala-adventure pa ang pag-commute. Nagbilang na talaga ako ng pera bago pa lang ako makarating sa station ng Cubao. "20 pesos" sakto ang bilang ko na puro barya, 10 1-peso coins, at 2 5-peso coins. 'Yon talaga ang bilang ko pero nang magbayad na ako. "Kulang ng piso." sabi ng nagtitinda. Hay! Natataranta pa naman ako kapag may gano'n pangyayari ang mangyari sa akin. 'Pag first time talaga, kakaiba ang nangyayari, syempre lesson learned - Bilangin sa harap ng cashier ang pera para sigurado. Hahahahaha!

Hyper pa naman ako kaya madali akong pagpawisan kaya mula ba naman sa aming bahay naglakad papuntang Cubao station, pagbaba ng Recto naglakad na naman para maghanap ng jeep papuntang Taft ave. Pagkatapos nun maglalakad na naman sa special 'walkway' ng Adamson. Kapalit naman nito ay hindi ako nahirapan hanapin ang aking classroom. Salamat! ST101

Dalawang beses na akong nagkaroon ng panaginip sa kolehiyo, ang dalawang 'yon ay tungkol sa akin na nahuli ako sa oras ng klase. Ewan ko ba kung bakit gano'n ang mga panaginip ko. Sa realidad, hindi ako na-late sa 1st day of school. Wow! Na-realize kong nadaanan ko ang SV building ng Adamson ay college na ako pero 'di ko pa rin feel dahil wala pa akong I.D., halos pareho lang kasi ng uniform ko noong high school ang uniform ng Adamson. Kumusta naman sa mga graduate ng Adamson High School? Bigyan ng loyalty award!

Wala akong inaasahan sa unang araw ko sa kolehiyo, bagama't nakilala ko na ang mga kaklase ko dahil nasa henerasyon tayo ng matinding bugso ng social media, hindi ako gaanong excited. Lalo na't bigla akong inatake ng 'headache' kaya sumama ang pakiramdam ko. Ayt! Unang araw pa lang, ba't gano'n na. Tuloy, wala akong mood na makipag-usap sa mga taong nakilala ko na sa 'Group Chat' sa Facebook. 'Buti na lang at may nakatabi akong 2 lalake na malakas ang social attitude (Sina Josiah at Marnel) kaya nakilala ako nila kaagad sa pakikipag-usap ng ganito ganyan.

Unang prof, akala ko wala na talaga. Akala ko totoo ang sumpa na sa unang linggo ay wala pa'ng mga prof ang magtuturo. Pumasok naman si prof na hindi man lang nagpakilala at nagbigay orientation sa amin kaagad. "I will dismiss you early." pero 3 minutes na lang ay 8AM na kung kailan tapos na ang subject ng English ay doon siya umalis. Worth it naman ang kalahating oras na pagpunta ni prof dahil naging masaya at energetic na kaagad ang block section sa umaga pa lang kahit man ang karamihan e binabalot na nang antok, puyat pa ang ilan dahil siguro ay excited pumasok.

Mayroon kaming 3 breaks ngayong araw ng Martes, inubos ko na lang ang oras ko sa unang break sa pag-iikot ko mag-isa sa Adamson. Sariling campus tour lang ba! Hahahaha! Sanay naman na akong mag-isa kaya hindi big deal sa akin 'yon.

Sa ikalawang subject, akala ko wala na naman prof pero nasorpresa ang lahat na ang prof ay nagpanggap na estudyante. Ayos din si prof, curious nga ako sa subject na 'Logic' kung ano ang posibleng ituro dito. Ayun, hindi rin siya nagpakilala. Ba't kaya ayaw nila kaagad magpakilala? Pero bumabati naman sila ng "Good Morning", ayos na 'yon.

Sa ikatlong subject, first impression last ika nga, napansin kaagad ni prof na kaming tatlo sa harapan ay nahuli sa pagbabahagi ng 1/4 yellow paper kaya ayun inaasar niya kami, baka hanggang sa huli kapag usapang yellow paper ay kami ang maisip niya. Ala e. Nawa'y magbago 'yon dahil aminado naman si prof na nakakalimot kaagad siya katulad ng pagkabisado sa mga pangalan namin. Mahirap naman talaga magkabisado ng mga pangalan lalo na kung nagta-trabaho ka sa NSO (Hashtag korni).

Ayos din si prof dahil pinakabisado niya kami ng mga pangalan. Kaya ko naman at nagawa naman ng lahat na makabisado pero 'yun lang, hindi naman magtatagal ay malilimot muli ang mga pangalan. Teka, wala naman tao na nagsasama-sama sa apat na sulok ang hindi magiging close sa isa't-isa. 5 buwan lang ang sem, maaaring may mawala o madagdagan pero tiyak na karamihan sa amin ay magtatapos sa Adamson na magkakaklase pa rin, siguradong makikilala rin namin ang bawat isa lalo na pagdating ng exam. #AlamNa

Napapawi naman ang sama ng pakiramdam ko dahil maayos at masaya ang 3 prof na pumasok sa amin. 'Yon ang maganda dahil nagiging interesting ang pagtuturo nila, kung magiging masaya sila palagi sa klase (prof), magiging masaya rin ang buong section. Nawa'y ang nalalabing 5 subject, ang professors ay mabubuti.

Walang prof! Sa wakas naranasan rin kaya makakauwi kami ng maaga. May konting misunderstanding nga lang dahil may napagod, umuwi kaagad at hindi nakapag-attendance. Maayos din naman 'yan dahil narinig ko mabait ang prof namin sa P.E. Masaya ang subject na 'to dahil life is sport, ika nga sa P.E. shirt ng Adamson.

Naging masaya naman ang 1st day ko, walang assignment kaya sobrang saya talaga. Wala pa talaga akong gano'n ka-close pero darating at darating ang araw na magkakakilala na kami. Iba ang high school sa college pagdating sa section pero gusto kong asahan na magiging "Family" din kami sa PS101.


-Kharl :)


Bukas ulit. 


No comments:

Post a Comment