Wednesday, June 17, 2015

2nd day of college: Discovery

Photo from: http://www.lamac.org/america-latina-ingles/channel/discovery-channel-8/beneficios/

Wash day, nagtanong pa ako kung ano ang ibig sabihin niyan at literal lang pala. Sibilyan tuwing Wednesday at Saturday ayon sa tweet ng Adamson. Ito raw kasi ang araw na lalabhan ang uniform kaya dapat nakasuot ng sibilyan pero syempre may standard sa pagsuot ng sibilyan. Hindi uso sa akin 'pag magsusuot ako ng sibilyan ang pantalon, palaging shorts ang suot ko kaya kailangan ko pa bumili ng bagong pantalon dahil bawal ang short sa campus. Hay! Ngayon, trip ko na magsuot ng pantalon hahahaha! Inosente ako sa pagsusuot ng mga damit, hindi ako mulat sa salitang 'fashion' kaya "mema" lang ang suot ko 'pag wash day, walang pormahan, 'yung parang ginusto lang. 'Yung feeling na kung ano lang meron doon sa lagayan ng damit mo, edi 'yon ang susuotin mo. Diba, astig. 

Lesson learned! Wahahaha! Natuto na ako sa mga mali kahapon. Mula sa transpo papuntang Adamson ay ayos naman at mas maaga ako ngayon pero nahuli naman ang classroom sa pagbukas. Mas malamig na ngayon compared kahapon kaya 'di magkamayaw ang marami sa pagyakap sa sarili sa tindi ng lamig (forever alone, sarili niyayakap, ayt) Pero ngayon pa lang ay may nabubuong love team sa aming block. Nang dahil sa magpakareho ang apelyido, magkalapit ang lugar, o kaya naman talagang may spark (Aray ko po) sa kanilang dalawa. Sa aking palagay, hindi naman gano'n kung manghusga, talagang may magkakatuluyan sa section na ito. Hindi ko nga lang alam kung ilan........... mga 10 lang naman. HAHAHAHAHA!

Pinangako ko sa sarili ko na dapat may maging ka-close na ako ngayong araw. Kulang na lang mapanis ang laway ko at ang iba rin na palaging tahimik at walang kinakausap. "Ang hirap talaga mag-adjust.",sabi ko na lang kaya hindi pa functioned ang aking sarili sa pagkilala sa kanila. 

Napansin ko lang si Marnell ('Di ko sigurado spelling) na may sinusulat, aba, "Something personal" sabi niya. Naks, nagsusulat siya ng journal. Bihira sa isang college student na nagsusulat pa ng gano'n bagay sa dami ng ginagawa at dagdag pa na lalake siya. Ano kayang sinusulat ng lalake sa journal (<--- Mukhang ewan 'yung writer ng blog na 'to, parang hindi siya nagsusulat ng journal, online pa man din hahahaha!)

All-women group ngayong araw sa mga prof. except sa prof sa English pero parang kasama na rin siya doon (Oh gets na). Masaya naman ako na wala pa rin terror na prof na dumating. Hindi man gano'n kasaya kaysa sa mga prof kahapon, kalma at mababait naman sila. Always favorite ko ang nagiging guro ko sa Filipino at magpapatuloy iyon sa 1st sem ko sa 1st year dahil mabait si prof. Favorite ko na rin ang prof ko sa English, bukod sa masaya sa klase niya ay mukhang magugustuhan siya ng marami sa pagtatapos ng sem.

"Mas better"; "Pinaka d'best" o mga grammar nazi, sugod na! Hahahaha ilang beses ko itong narinig sa ilang prof habang sila'y nagtuturo. Hindi naman ako grammar nazi dahil maski ako ay nagkakamali sa English grammar (Aminado, mahina ako sa English pero sa Math, magaling. Gano'n daw talaga, kung magaling sa Eng, mahina sa Math, baliktad lang.). Redundant nga naman kung maituturing pero biglaan kasi ang pagsasalita ng mga prof kaya naiintindihan ko naman sila kung masabi ang mga salitang iyon na wrong grammar, IKAW mismo, nasabi mo na rin 'yan minsan diba? Pagkakamali lang 'yan at huwag seryosohin kaya hindi ko na lang 'to pinansin pa para i-share pa sa mga kaklase ko na, "Ahahahaha wrong grammar si prof." Baka ma-drop out ako niyan hahahaha!

Puro grading system ang naging discussion at inaantok talaga ako. 'Di ko trip malaman ang grading system, ang goal ko lang talaga dito sa college ay matuto, pasado man o bagsak ang grade (Dahil kahit bagsak ka, may rason 'yon, hindi naman parating bagsak e talagang walang alam.) kaya lumipat na lang ako ng upuan (Sa bandang likod, sa harapan kasi ako nakaupo). Sa likod kung saan kita mo ang buong klase pati ang whiteboard pero nakakawala nga lang ng attention sa prof. 'Yon ang dahilan ko kaya ako lumipat, upang hindi makinig hahahaha! Sunod-sunod kasi sila na may orientation sa grade. 

Nang dahil sa likod ako nakaupo, na-obserba ko ang buong block. Umiral na naman ang pagiging "Detective Angelo" ko (Cool right?). Nakita ko kung sino ang ganito ganyan, doon ko na rin na-discover ang mga taong DAPAT kong kaibiganin. Ako 'yung tipo ng taong all around, kahit sino pwede, kahit sino ay pwede kong maging kaibigan, kasi diba ang kaibigan napipili 'yan depende kung ano ang inyong pagkakapareho o pagkakaiba sa isa't-isa. Anuman ang lahi mo, ako pa rin ang kaibigan mo (Naks, lakas maka-showtime at patriotism hahahaha!). This time, nag-isip ako sa magiging ka-close ko ng matinde sa block. (Lakas maka-Detective Conan hahahaha) Napansin ko na sa ikalawang araw ng college life, may ilang klasmeyts pa rin ako na wala man lang ka-close pa at hindi pa masyadong nakikipag-usap sa kapwa kaklase. Sila, sila ang mga gusto kong kaibigan dahil sa tingin ko magiging best buddy ko sila this college, hindi dahil sa 'awa' kundi 'yon talaga ang best na kaibigan, 'yung sila rin ang naghahanap ng kaibigan. Napatunayan ko na 'yan noong high school ako, napansin ko na wala siyang kaibigan at naging kaibigan ko pagkatapos, kaya ayun naging close kami at d'best siyang kaibigan! Maaaring sa sumunod na araw, maging close ko na sila pero hindi ko naman sinasara ang aking sarili sa mga gusto makipag-kaibigan sa akin. Ang Adamson nga ay itinuturing na malaking block section, kami pa kayang PS 101? Dapat pamilya kami. Nag-discover lang naman ako sa sarili ko pati rin sa mga kaklase ko kaya kumilala ako ng mga magiging ka-close ko.

Masaya ang araw na 'to talaga! Kumpara kahapon na naligaw-ligaw ako. Inubos ko ang oras ng break para sa sariling campus tour at outside the campus tour! Hahahaha Nalaman ko na may shortcut pala sa ganito, nalaman ko na may kainan pala na ganito, nalaman ko kung saan may bilihan ng ganito, nalaman ko kung saan may xerox at paprint, nalaman ko kung saan ang bantayog ni Rizal hahahaha! nalaman ko kung saan ang CR, Library at ang epal na fountain na hindi ko alam kung paano gamitin. (Kakaiba kasi ang fountain ng AdU, kung newbie ka gumamit, naku po baka asarin ka lang ng upperclassmen.) Binisita ko ang library at alam ko na ang dahilan sa sinasabi ng prof namin sa English hahahaha (hindi ko sasabihin, I love being an Adamsonian hahahaha!)

Masaya rin ang araw na 'to dahil wala pang gano'n ginagawa. Yehey! Btw, talo pala Cavs, seyeng nemen. Team Cavs ako dahil kay Lebron James pero idol ko rin naman si Steph Curry. Pareho naman na silang champion (Cavs at GSW), sadyang kailangan lang nila maglaban para sa overall. 


-Kharl :) 


Sa Sabado ang sunod na blog pero may cover pa naman ako sa 3rd at 4th day. Nararamdaman kong mauudlot ang ilang susunod na journal sapagkat sa mga magiging gawain. Adios!

No comments:

Post a Comment