|
Photo from: http://vippresentationproducts.com/1385/does-my-company-need-a-welcome-pack/ |
Matapos ang pagdaan ni Falcon sa Pilipinas na nagdulot ng 5 araw na walang pasok, ito, pinag-uusapan sa group ng Adamson freshmen 2015-2016 kung anong mangyayari sa LINGGO bago ang prelim. "Magmamadali ang prof!", "Baka ma-move ang prelim!", "Kapit lang klasmeyts!" Kaya kinabahan ako na gano'n ang mangyayari sa aming klase ngunit..... HINDI pala.
Normal lang, normal na turo kung ano ang meron sa amin sa mga nakaraang araw. Nag-anunsyo pa nga ang isang prof namin, "Kailangan matapos muna lahat ng lessons bago mag-prelim, hindi dapat minamadali. Nandito nga kayo para matuto diba? Tapos mamadaliin kayo." HAIL HAIL HAIL Prof. Envi Sci! Pati rin si Prof. Logic, ay gano'n rin ang istilo kaya hindi pa next week (prelim week) ang exam! Gano'n din ang ibang prof pero may mga subject na sa mismong linggo ng prelim ay may exam pero hindi naman naghabol, kung ano lang ang naituro ay 'yon lang ang nasa exam. ANG BAIT talaga ng mga professor namin ngayon 1st sem! Kinakabahan tuloy ako, na kung ano ang saya ko sa mga prof this 1st sem ay baka sa 2nd sem ay kabaliktaran. Huwag naman sana.
Normal pa rin ang kaganapan sa college, 'di ko feel ang prelim dahil napapansin ko dati na kapag malapit ang exam ay maraming gagawin ngunit IBA sa amin. (Yes!) Kung ikukumpara ko sa requirements na naranasan ko noong 3rd at 4th year HS, 1/4 pa lang ang nararanasan ko ngayon sa college (Nagpapasalamat ako sa aking section na pinaranas sa akin ang matinding requirements para masanay sa maraming gawain.) Ewan ko, siguro simula pa lang kaya petiks mode pa lang. Naririnig ko rin naman sa upperclassmen na matitindi ang readings sa kanila. 'Yon kasi ang no.1 requirement sa Political Science, ang magbasa nang magbasa. Hilig ko naman ang magbasa pero minsan nakakatamad. (May gano'n feeling diba?)
|
Photo from: http://8list.ph/laws-that-will-make-the-philippines-better/ |
Adjustments - Ang hirap talaga. 2 months na ang tinatakbo ng aking college life pero hirap pa rin ako sa transportation, paano pa kaya ang mas malayo pa sa unibersidad? Nasanay kasi ako na 5 minuto hanggang 10 minuto ay nasa school na ako sa loob ng 10 taon. Lakad lang ng kaunti sa sakayan ng jeep, biyahe ng ilang minuto at ayun, bababa ako sa tapat pa mismo ng school. Mula Grade 1 hanggang 4th year high school, 'yon ang buhay ko kaya gano'n na lang ang hirap ng adjustment sa akin. 1 oras na biyahe, ilang metrong paglalakad, ilang transpo rin ang aking sasakyan. Madali pa naman akong mapagod at pagpawisan kaya ayun apektado rin kalusugan ko.
Sa ngayon, medyo ayos naman na ako (sana tuloy-tuloy na). Sasanayin ko pa rin ang sarili ko tutal baguhan pa lang naman ako sa ganitong adjustment diba? Normal lang na mahirapan ako para rin masanay dahil siguro sa future e ganito rin ang buhay ko bilang commuter. Struggle is REAL.
Beep card, sa wakas nag-release na ang LRT 2, sinubukan ko 'to at ang cool! Isa sa mga resulta ng pagtaas ng pasahe sa LRT! Hahahahaha ngunit sa LRT 2 pa lang ito mayroon, sa ibang rail transit ay wala pa. Pagkatapos nito ay sana bigyan pansin na nila ang facilities ng LRT/MRT gayundin ang kakulangan sa tren. Madalas ang aberya sa MRT pero dito sa LRT ay wala naman masyado at wala pa akong nararanasan hanggang sa..........
Unang araw nang paggamit ko ng beep card, aba matinde! Binyag na kaagad! Pagsakay ko, mukhang may hindi maganda sa sinakyan kong tren. Dumating sa J. Ruiz at ayun! "Paumanhin po sa lahat ng mga pasahero, hindi na gagamitin ang tren na ito dahil may aberya." Sabi ng announcer este driver ng tren. First time makaranas ng aberya, naku naman! 'Buti na lang, wala kaming klase sa 1st subject.
|
Photo from: 8z4.net |
Sa loob ng 2 buwan, may nagiging kaibigan na ako. Kumpara noong 1st week of school na tahimik ako at napapanis na ang laway dahil hindi nagsasalita e malayong-malayo na ngayon. Wala naman akong officially bestfriend pero friends ay marami na. (Iba kasi ang bestfriend sa friend lalo na sa friendzone) May mga grupo na nga kami na nabubuo dahil sa kalokohan ng isa't-isa. (Bibitinin ko ang mga reader, next blog post ko ilalahad ang apat na ibig sabihin na 'yan sa pic, ang circle of friends sa PS 101). <-- Pa-intense pa. Hahahaha!
Prelim week! Ilang subjects lang ang iti-take namin sa mismong linggo ng unang pagsasanay sa kolehiyo na nakasaad sa kalendaryo ng unibersidad ng Adamson (lalim), mababait talaga ang mga professor namin kaya kinokonsidera kami.
Kinakabahan ako, syempre unang beses ko makakaranas ng prelim pero hindi ko naman unang beses na makaranas ng isang examination. Ewan ko ba't may gano'n akong feeling? For the 1st time din ay nag-review ako ng matindi para may maisagot sa exam. Siguro college na kasi ito kaya kailangan seryoso na sa lahat ng bagay at talagang may binabayaran ka para matuto. Marami rin kasi ako naging inspiration na nakita kong matataas ang grade, gusto ko rin ang gano'n para feeling bida bida lang ba. Pagpapatunay ko rin na ang hardwork na ginagawa ng aking parents ay nagbunga. 'First impression last' kaya parang kung anuman ang resulta ng prelim grade ko ay baka mag-reflect na ito sa buong college.
First time ko mag-review, aral dito, aral doon, basa dito, basa doon. Kahit man hindi ako sanay na magbasa ng notes sa bahay e ginawa ko ito para matuto. Madalas pa nga e sa school ako nagbabasa para kumportable dahil ang environment ay pag-aaral. Kaya nauso sa akin ang an hour before exam review. Hindi ako magaling sa memorization kaya kapag inaral ko 1 week, 1 day or even 12 hours before exam ay nalilimutan ko na. It's all about memorization kasi sa exam, swerte na lang kung binasa mo e magiging stock sa knowledge na maidadala kapag nagsagot ng exam. Good luck na lang!
Unang prelim exam ay English, nagdasal din ako syempre, araw-araw naman ako dumadaan sa SV church except Sunday kung kailan wala akong pasok. 5-unit subject kasi 'to kaya dapat galingan ko. 70% ang passing out of 100 items. More on grammar ang exam, kaya naman! Ngunit subalit datapwat ay may transitive/intransitive verb! <-- kupal. Dahil hindi ko talaga ma-gets 'yan, 20 items pa naman 'yon kaya hinanda ko na ang sarili ko para sa 20 mistakes. :'( Struggle is real. Kahit man lang 70+ basta pasado.
Theology naman ang sunod na exam, 'di ko alam kung paano ang exam dito kaya 'di ko rin alam kung ano ang dapat kong i-review. Ayun multiple choice, madali lang naman dahil common sense ang karamihan ng tanong, 'yung feeling na kung ano ang pinakamahabang choice sa tanong ay 'yon ang sagot. May mga tanong din na sobrang hirap na kailangan may i-define. Kinabahan na ang marami dahil ang susunod na subject ay
Ta-da! College Algebra, wala talagang nag-usap sa GC except sa "Good Morning, may exam sa Algebra mamaya!" na sinabi ng isa kong kaklase. Review ang lahat, aminado naman ang PS101 na mahina sa Math, may ilan na biniyayaan na talagang may galing sa Math (Oh hello guys!), wala e, paborito ko mag-compute ng numbers pero ayaw ko ang kurso na may Math na hinaluan na ng Chemistry! (I hate elements). Bago pa man ang exam ay puro tanungan na ang bawat isa kung paano ang ganito ganyan, napaos ako. Hinihiling ko rin sana pasado kaming lahat dahil sabi nila, itong subject na college algebra ang numero unong panira ng block, puwes, WALANG MAKAKAPIGIL SAMEN!
Nagsimula ang exam na tahimik ang lahat, walang humihinga dahil sa kaba, wala naman pinagpapawisan dahil malamig, maraming tumitingin sa kisame ngunit pagtingin nila sa papel ay wala pa rin sulat. Naghihintay ng superhero o milagro na darating na makakapagpabago ng buong buhay. So far, so good ang exam sa Math at kaya naman ang lahat. Hindi syempre maiiwasan ang malakas na wi-fi signal sa loob ng room, modern na ang wi-fi, phone na ang gamit para maki-konek, teka, phone naman talaga ang gamit diba? Hashtag Malalim Ang Ibig Sabihin.
CWTS, ito talaga ang pinproblema kong exam bukod sa Envi Sci, puro kasi batas ang pinag-aralan namin kaya mahirap din tandaan pero challenge na rin ito tutal Pol Sci ang kurso ko. Basa ng mahabang reviewer. Nag-usap pa kami sa group chat ng mga kaklase ko sa CWTS na dapat, "Team work!" ngunit hindi nangyari dahil malayo kami sa isa't-isa. Hindi naman lahat ng kaklase ko sa CWTS ay close ko, nangangapa pa ang marami at mukhang matatapos ang semester na hindi kami naging close sa isa't-isa.
Yes! Madali ang exam sa CWTS at maraming items ay sigurado ang sagot ko! Talagang binilang ko at nasa.... ta-da! 60+... sinama kasi ang preamble na nakabisado ko lang, isang araw ang nakalipas. Hindi pa pasado ang 60+ (Na dapat 70+ out of 100 items) pero masaya na ako dahil hindi ko inaasahan na 'yon ang sure correct answers ko. Hinulaan ko na lang ang iba lalo na ang 15-item test na puro SECTION ng mga batas! Hindi ko naaral 'yon dahil 'di ko inasahan na magkakaroon ng gano'n mga tanong kaya sure 15 wrong answers na ako. Tinalasan ko na lang ang aking isipan upang umabot ng 70+ ang mga tamang sagot ko para makapasa.
4 na subjects na ang aming na-take, phew! 4 pa more!
Sa PE, review review review. Paulit-ulit lang naman ang mga lesson dito ngunit hindi ko pa rin kabisado ang mga termino na katulad ni flexibility, balance, agility, atbp. Pangatlong exam na 'to na may tanong patungkol sa Adamson - prayer, vision, mission, hymn. YEHEY! Ang dali ng exam sa PE, an hour before exam ang ginawa ko kaya natandaan ko pa ang mga term at nasagutan ang lahat! May iba na medyo naguguluhan pero ayos lang 'yon. Hindi pinasagot ang hymn dahil karamihan sa amin ay hindi pa ito kabisado ngunit ako ay bida bida at sinagutan ito, pwede naman daw sagutan at bonus points iyon! Nagamit ko ang pagiging 5 years fan ng Adamson Soaring Falcons na noon ay nanonood ako ng live sa laban nila ay syempre nakakanta ko rin ang hymn kaya kabisado ko ito.
Filipino, may that thing called AdU-Pulitika bago ang exam namin. Ito ay orientation para sa mga 1st year ng Pol Sci students. Ang nangyari, hindi ako naka-review dahil nag-focus ako at maging din ang iba sa event. Wrong timing, kaya pagdating ng exam, lutang ako! Walang alam e! Hahahaha 'yon ang feeling na 'di nag-review an hour before exam. May stock knowledge naman kaya may mga nasagutan ako. Nararamdaman ko na mababa ang score ko sa exam na 'to. Filipino lang 'yan e pero gano'n talaga, may malaking parte kasi ng exam ang history (Na ayaw kong pag-aralan dahil PAST IS PAST!) kaya mahirap din. Bahala na.
Logic, ang bait talaga ng professor namin dito, talagang 100% natuto ang lahat sa kanya. Ginawa niya ang best niya para matuto kami kaya hindi rin namin siya bibiguin sa resulta ng aming exam. Madali ang exam! Ngunit 'di ko naman sigurado kung tama ang lahat ng sagot ko. Gano'n din siguro ang nararamdaman ng iba sa Logic prelim exam. Congratulations to us! Hahahahaha
Last but not the least, finally! Matapos ang ilang beses na na-move ang araw ng exam ay makakapag-exam na kami sa Environmental Science. Dito kagaya ng CWTS ay tindi ng review ang ginawa ko. Marami ang terms dito e kaya mahirap. Matinding dasal ang ginawa ko dahil baka bumagsak ako. Mahina talaga ako sa Science lalo na sa Chemistry!
Sa exam, MABUHAY ANG PILIPINAS!!!! MABUHAY!!!! Common sense lang ang exam sa Science at 'yon ang mga gusto kong exam! Kaya naging madali lang sa akin na sagutin ang mga tanong! Salamat sa Diyos na madali lang ang exam. Hahahahaha! Ang saya-saya ko at proud na sabihin na, "Ang dali ng Environmental Science" bow!
Sa wakas, tapos na ang prelim, kumain pa kami sa isang fastfood restaurant ng mga kaklase ko bilang celebration. Good luck sa prelim exam scores. St. Vincent de Paul, pray for us.
Sa wakas din! Natuloy na ang GA o General Assembly ng AdU-Pulitika. Dapat may intermission number ako dito ngunit nag-back up ako hahahaha awkward e. Team green kami sa GA! Syempre 'yon naman talaga kulay ng freshmen. Sabado ang event kaya hindi inaasahan na marami ang pupunta. Kaunti na nga lang ang population ng Pol Sci, kaunti pa ang dumating. Akala ko ang GA ay tungkol sa isang formal event na magpapakilala ang bawat isa ngunit iba 'to! May mga palaro, intermission, at kung anu-ano pa. Nakasama pa nga ako sa isang laro, syempre talo kami. May pageant pa nga at naisingit pa iyon sa 4 hours GA ng Pol Sci.
May pinagawa sa akin na feature article tungkol sa event dahil member ako ng Media and Communications Ministry ng org, nagpakatotoo lang naman ako at lahat nang nandoon ay positive. Best part ng event ay ang bumilog ang lahat ng upperclassmen at nasa loob ang mga first year, pagkatapos nun ay nag-hand shake bawat isa at nagpakilala. Grabe, ang saya ng feeling at doon ko naramdaman na WELCOME to ADAMSON UNIVERSITY, POLITICAL SCIENCE.
|
Photo from: http://www.clipartpanda.com/categories/elementary-school-friends |
-Kharl :-)
Abangan ang Midterm of college!
Next blog post: My feature article about General Assembly of AdU-Pulitika.